Chapter-12

1K 25 6
                                    

Precious Island


Binitiwan niya ako at kaniyang inilipat sa manibela ang kamay habang ako pa rin ang binabalingan.

Ngumiti bago tumango hudyat na kami ay aalis na sa lugar.

Pinilit ko rin ang sarili at binigyan siya ng tipid na ngiti para siya ay sang-ayonan.

Nagsimula na siyang mag maniho. Mabagal at hindi pamilyar ang tinatahak. Hindi ako umimik hanggang sa baluntin na ako ng antok sa katahimikan.

Nagising ako at pinagmasdan ang lugar. Kung kanina ay natulog akong nasa auto niya, ngayon ay nagising ako sa isang kuwarto na yare sa kawayan.

May isang kama kung saan ako nakalugar at kulay puti ang sapin nito. Sa kabilang gilid , ay may isang bintana na may kurtinang sumasabay sa hangin. Sariwa ito bagamat galing sa malaking puno na nakatayo sa labas nitong silid.

Bumaba ako sa kama. Pumunta sa bintana para silipin ang tanawin. Isang malaking akasya ang unang mapapansin at sunod ang malawak at asul na karagatan ang bubuhay sa iyong paningin.

Salamat sa akasya na nagsisilbing lilim para tabunan ang tirik na araw sa himpapawid. Ito'y nagsisimbolo sa bagay na kapag ramdam mo ang lungkot at pait, may taong handa kang tulungan para bumangon ulit.

Sa palagay ko ay nakalugar ang simpleng bahay na ito sa tuktuk ng isang burol kaya naman tanaw sa ibaba ang natural na ganda ng tanawin.

Kulay puti ang buhangin at walang torista. Walang alon na makikita at tanging huni ng ibon ang maririnig ng iyong tenga.

Lumabas ako sa kuwarto at tumambad ang maliit na sala. Kay ganda ng desinyo, purong gawa sa kawayan na may pintang barnes. May tv din at ang mga upuan ay hindi sofa kundi bamboo set na may mini table sa gitna at naiibabawan ng vase.

May isang open door way at doon ako dumiretso para matingnan. Tumambad ang maskuladong likod ng lalaki habang may nakataling apron para hindi matapunan ng hinahain.

Hindi lang siya sa pagmamaniho suwabe, maging sa pagluluto at paghahalo pala. Wala kang maririnig na ingay galing sa sandok at kasirolang gamit niya. Marahan kung gumalaw at ingat na ingat. Tinikman ang luto at pagkatapos, may inilagay pang dagdag marahil hindi pa sapat sapat ang lasa.

Hindi man lang niya dama ang aking presensya. Naisipan kong gulatin siya para makita ang gulat na reaksyon niya.

"WOAH!" Sabay tulak ko sa likuran niya. Marahan para hindi siya masubsub sa kalan.

Bagsak balikat ako ng binalingan niya lang ako ng tingin at tila walang epekto sa kaniya ang pagsubok kong gulatin siya.

Ngumuso na lang ako at kunwareng binalingan ang niluluto niya.

"Amoy pa lang masarap na." Komento ko habang nilalanghap ang mabangong usok ng adobo niya.

"Stop smelling it Natasha. It's not yet finished. Wait there," sabay turo niya sa mesa na nakapwesto sa likuran niya. "until I'm done."

Para namang tatay. Makulit na ba ako sa paningin niya?

Ngumuso ulit ako at umupo sa tapat ng mesa. Nakatitig lang ako sa likuran niya habang siya'y abala.

Hanggat kaya ko, wala akong ibang iisipin kundi ang mag relax kasama siya. Pansamatalang hindi damdamin ang mga gusot at magtiwala na maayos ang lahat katulad ng sinabi niya kanina.

Itong lalaking ito. Marami na 'tong tulong sa 'kin. Sobra rin ang kaniyang taglay na mahirap hanapin. Makatao, guwapo, suwabe, matalino, talentado, mayaman, at marunong magluto pero misteryuso.

Pranking My BossWhere stories live. Discover now