Chapter-43

1.1K 16 0
                                    

Are You Still Sleepy?

R-18

"Bye, ingat kayo."

Kani-kaniya kaming paalam sa mga katrabaho. Galing kami sa Kuwait kaya lahat pagod dahil sa mahabang biyahe ng eroplano. Kasabay ko si Arvin at Grace, idadaan na lang daw nila ako sa bahay ko.

"So, kamusta naman ang buhay misis? Sulpot ni Grace na nandoon sa unahan, katabi si Arvin.

Hmmm. Dati lang puwesto ko 'yon pero ngayon ako na ang nandito sa likuran.

"Wala bang puwedeng e chesmis?" Pahabol nito.

"Anong e chesmis ko? Kayo ata ang mayroon eh. Magjowa na ba kayo?"

"Wala ka na ro'n," singit ni Arvin. "Bakit napagisip-isip mo na ba na mas cool ako kay Artives? Kasal na kayo, pinapaalala ko lang."

"Cool mo mukha mo, nagtatanong lang bakit bawal?"

"Hmmm, parang gano'n na nga."

"Ewan ko sa inyo, ss na lang kung sakali."

"Owishiee, thank you sis." Nakangiting sabi ni Grace na nakabaling sa rear mirror.

"Ss—separate soon." Pagtataray ko.

"Ay meganon? Porket may mister ka na?"

"Hmmm. Parang gano'n na nga." Pamimilosopo ko't tumahimik na.

Speaking of kasal, isa na akong Misis Sinfuego ngayon. One month na kaming kasal at masasabi kong unforgettable moment ang pagharap namin sa altar. Kauti ang tao, at simple lang pero nag-uumapaw sa pagmamahalan.

Syempre pareho kaming walang magulang. Nakakaiyak lalo na't habang pumapaso ako sa pulang carpet boses niya ang sumasalubong sa bawat hakbang. Yeah, siya mismo ang kumanta sa mismong kasal namin.

May binili siyang bahay at doon kami tumutuloy. Hindi naman mahirap sa paggagastos dahil pareho kaming may income. Isa lang ang masasabi ko sa panibago kong buhay, sobrang saya.

Hindi ko namalayan na napaidlip ako sa sasakyan ni Arvin kaya gumising sa 'kin ang tapik ni Grace sa aking balikat.

"Salamat, ingat kayo." Kumaway ako sa kanila bago umandar ang sasakyan. Pumasok ako sa gate at dumiretso sa loob ng bahay.

Hindi kalakihan ang bahay na binili niya. Dalawang palapag lang pero masasabi kong maganda. Modern ang design at halatang mga mamahaling bagay.

Wala pa siya ngayon dahil may taping siya sa clear shampoo advertisement. Hindi pa naman ako gutom kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo't makapagpahinga na.
Isa pa, hindi ko na kayang maghain ng makakain dahil anytime, pipikit na ang mata ko dahil sa pagod.

Pagkatapos maligo, ni blower ko muna ang buhok ko. Pagkuwan, humilata na ako sa kama at pumikit para matulog subalit na rinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napadilat ulit ako.

Nakauwi na pala ang asawa ko.

"Hi babe, kain muna tayo may dala ako." Aniya habang tinatanggap ang long sleeve na polo.

"Mamaya na inaantok na talaga ako."

"Ako rin pero gutom ako kaya sabayan mo ako." Umupo siya sa gilid ng kama at hinalikan ako sa noo. "Ang ganda mo."

"Inaantok ako." Pumikit ako pero napadilat matapos niyang halikan ng mabilis ang labi ko.

"Maliligo lang ako, huwag ka munang matulog."

Pranking My BossWhere stories live. Discover now