Chapter-14

882 23 0
                                    

Selfish Politician

Pagkalabas ko sa gate ng campus, agad akong umuwi kahit may plano kami ni Grace na mag library.

Nag text si gov at sinabing umuwi agad. Hindi ko alam kung bakit.

Kaninang umaga, pansin ko ang pagiging weirdo ng gobernador. Magmula sa hapag hanggang sa paghatid niya sa 'kin rito sa campus, lagi niya akong tinatanong kung may gusto raw akong sabihin.

Naguguluhan dahil hindi ko alam ang kaniyang rason kung bakit panay siya sa tanong. At nasisiguro kong wala naman akong dapat sabihin sa kaniya.

Habang nasa byahe, nagbabasa ako ng libro dahil nag aadvance study na ako. Malapit na ang examination. Isang buwan na lang bago ito gaganapin kaya hindi na muna ako bumibisita sa mga social media ko. Ginagamit ko lang ang cellphone kapag may research akong gagawin.

Saglit akong napabaling sa labas ng bintana subalit ng magtanga akong ibalik sa libro ang paningin, napagtanto kong ibang direksyon ang tinatahak ni kuya Jeff.

"Kuya sa'n po ang punta natin?"

Ilang sigundo ko itong hinintay na magsalita. Panay ang baling ko sa rear view mirror at nagbabakasaling sagutin hanggang sa lumipas ang minuto na wala akong narinig na sagot galing sa kaniya.


Hindi ko na mapagtuonan ulit ang libro bagkus ito'y isinilid ko para mag masid sa tanawin. Hindi pamilyar pero hindi naman ako nakakaramdam ng kaba sa dibdib. Naguguluhan pero may tiwala ako kay kuya Jeff. 

Tumigil ang sasakyan sa isang parke na naiilaliman ng palapag. Naunang bumaba si kuya at pinagbuksan ako. Naglakad ito at nagpatianod ako sa likuran niya. Katulad ng gobernador, walang maririnig na ingay mula sa sapatos niya.

Sa palagay ko ay gusali ito na nirerentahan ang bawat kuwarto. Malinis at presko ang desisnyo.

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto.
Kaniyang hinawakan ang pihitan nito at pumasok kaya sumunod ako.

Tumambad ang maliit na living area at may nakaupong pamilyar na pigura. Nang humarap ito at nakita kami, gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi niya.

"Thank you babe sa pag hatid sa kaniya."
Baling nito sa lalaking kasama ko na nakaharap din sa kaniya.

"Maghihintay ako sa kotse. Bilisan n'yo bago mag alas otso."
Habang nakangiti ang babae, tumango ito. Umalis si kuya Jeff at nilapitan ako ni ate Angel.

"Tara na sa loob beauty."
Hindi pa man ako nakakapagbitaw ng salita, hinawakan na nito ang pulsuhan ko. Sa isang pinto kami pumasok at simpleng bedroom ang sumalubong.

Pinaupo niya ako sa kama habang siya ay nakatayo sa harap ko at nakahawak sa ibabaw ng balikat ko. Hindi nabura ang ngiti sa labi't mata niya habang tinitingala siya mula sa harap ko.

"Bakit narito tayo ate Angel?"


"Malalaman mo rin mamaya beauty basta behave ka lang d'yan sa kinauupuan mo. Akong bahala sa 'yo." At nagpakawala pa ito ng isang kindat na mas lalong ikinalito ko.

Katulad ng sinabi niya, sinunod ko na huwag malikot dahil ako'y kaniyang inaayusan sa mukha. May mga nilalagay siyang cosmetics at inayusan niya rin ang buhok ko. Ginawa niya itong fish tale base ng hawakan ko ito na ikinagalit niya ng husto. Nagulo raw kasi at sobrang hirap ayusin dahil sa sobrang unat at dry ng buhok ko.

Dahil sa nasermonan ako, hindi na ulit ako nagtangka sa kahit ano. Sinunod lahat ng sinasabi niya kahit nalilito. May isinabit siyang kwentas na leeg ko, ginto at may pendant itong hugis puso na yare sa ruby'ng bato. May kapareho itong bracelet, earrings at singsing na pinasuot niya rin sa 'kin. Pagkatapos, pinagmasdan nito ang angulo ng mukha ko.

Pranking My BossWhere stories live. Discover now