Chapter-07

1.3K 40 3
                                    

Euphoric now, crestfallen later.


Nang makabalik ako sa sasakyan, agad ko siya sinunggaban ng sangkatutak na tanong tungkol sa mga ginawa niya. Subalit katulad ng pagsawalang bahala niya sa tanong ko ng nakaraan, gano'n pa rin naman.

Hindi ko alam kung magpapasalamat na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung anong rason niya para sa mga ito.

Masyadong imposible na wala siyang rason. Puwede ring may kailangan siya sa 'kin kaya maaga niya akong sinusuhulan. Pero wala akong maisip na puwede niya sa 'kin makuha. Wala siya sa 'king makukuha dahil walang-wala ako kumpara sa kaniya.

Kaharap ko siya ngayon habang kumakain ng tanghalian sa isang mamahaling resto. Hindi nag iimikan marahil kapag kinausap ko siya, hindi niya naman ako sinasagot.

"'Di ba si Gov 'yang boy?"

Napabaling sa kabilang mesa ang pandinig at paningin ko pero sa palihim lang na aksiyon.

Dalawang babae ang magkaharap at nakatingin sila pareho sa gawi namin. Ewan ko ba kung naririnig nitong kasama ko na pinaguusapan na siya ng paligid o wala lang talaga siyang pakialam. Marami na rin ang nagbubulungan dahil nakikilala na siya habang tumatagal.

"Sino kasama niya? Girlfriend niya?"

"Oh my god. Paano si ate Margo? Akala ko ba sila?"

Tumayo ang gobernador at mabilisang hinawakan ang pulsuhan kong nakapigil sa kubyertos. Tumayo ako at nag umpisa kaming lumabas sa resto habang may mga taong nakasunod.

Mahahaba ang kaniyang binti kaya malawak ang hakbang nito. Mahigpit ang pagkahawak niya sa 'king pulso kaya batid kong namumuti na ito dahil hindi na makadaloy ng maayos ang aking dugo.

Binuksan nito ang pinto sa passenger seat kaya dumiretso ako ro'n. Siya rin ang sumarado at patakbong umikot papunta sa kaniyang pwesto.

Bago pa man makaabot ang mga chismosang tao, pinaharorot niya na ang auto.

May namumuong pawis sa kaniyang noo at dumaloy pababa sa kaniyang mukhang santo.

"Can you wipe my sweat princess?"

"Huh? Anong? Bakit ako?" Natatarantang usal ko at inalis sa mukha niya ang pansin ko. Marahan kong pinisil ang hita ko para mawala ang tensyon.

"Because I'm driving. Nadidistract ako sa pawis ko. Baka maaksidente tayo."

"O-okay. Wait lang."

Ano ba Natasha! Wala lang naman 'yan sa kaniya! Ikaw lang ang assumera!

Iniling ko ng ilang ulit ang ulo ko at naghanap ng panyo sa dala kong shoulder pouch.

Hawak ko na ang panyo kaya lumapit ako ng kaunti sa kaniyang pwesto. Sinimulang punasan ang kaniyang noo pababa sa gilid ng kaniyang ulo. Napakagat labi ako nang napunta na ang kamay ko sa kaniyang leeg at batok. Sana hindi niya mapansin na nangiginig ang kamay ko.

"Tapos na." Pilinit kong magsalita ng kalmado para hindi siya mag taka sa aksiyon ko. Ibinalik ko sa bag ang panyo pero ramdam ko na may namumuo na rin sa noo ko.

Ginamit ko na lang ang sarili kong palad para mabura ang mga 'yon. Parang 'di kaya ng sistema ko na gamitin ang panyo na pinunas ko sa kaniya. Hindi sa nag iinarte ako. Hindi naman siya mabaho kaya bakit mandidiri ako? Nakakailang lang.

"Lakasan ko aircon?" Tanong ko rito. Gusto ko lang magsalita dahil kong ano-ano na ang mga pumapasok sa imahinasyon ko. Sana naman kausapin na ako nito ng matino. Sinusubukan ko lang na maging komportable ako sa kaniya. Hindi ko nagugustuhan ang pagkailang ko.

Pranking My BossWhere stories live. Discover now