Chapter-27

723 16 1
                                    

Secret Society



Alas nuebe y medya na ng gabi pero nasa byahe pa rin kami ni Artives. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi nanaman pamilyar ang daang tinatahak namin.

Tahimik pareho marahil sa nangyare kay mama. Hindi mawala sa 'kin na huwag mangamba, natatakot ako na muling bumalik sa rati ang kaniyang kalagayan. Natatakot akong hindi na nanaman siya makakausap.

Dapat ko bang sisihin ang sarili ko dahil hindi ako nakinig sa sinabi ni Arvin? Alam niya ba na mangyayare 'yon? Bakit at ano ang kinalaman niya roon?

Dahil sa paglalakbay ng utak ko, hindi ko namalayan na nakahinto na kami sa isang parke.

"Nag-aalala ka pa rin ba sa mama mo?"

Hindi ko siya tiningnan pero tumango ako. Umusog siya sa 'kin at niyakap ulit ako. Siniksik niya ang ulo sa leeg ko. "Nandito ako lagi. Pangako."

Pagkuwan, lumabas kami sa kaniyang auto at natagpuan ko na lang na nakalulan kami sa isang kulay gintong elevator. Kaming dalawa lang ang tao at medyo nakakakilabot ang stilo nito.

Kulay berde kasi ang ilaw ng elevator kaya mas nangingibabaw ang dilim sa bawat sulok nito.

Tiningala ko siya.
"Saan tayo papunta?" Hindi ko napigilang hindi magtanong. Hindi ba puwedeng bukas na lang kami rito tumungo?

Ngumiti naman ito at hinalikan ang tuktok ng noo ko.
"Wait a minutes and you'll see."

Tumunog ang elevator at may umilaw sa harap na parang iPad style. Color green din ang screen nito at may nakaukit na salitang verify. Tumapat doon si Artives at biglang nagflash ang ipad. Tumunog ito at may check na lumabas at pagkuwan, bumukas ang pintuan.

Mukhang hotel ang style ng pasilyo pero kulay berde ang mga ilaw. Walang makakasalubong at tanging tapak lamang namin ang ingay na umaalingawngaw.

Pumasok kami sa isang pinto at doon tumambad ang tatlong kalalakihan. Magkakaharap sila sa sofa at may wine sa gitna ng lamesa.

Sila ang lalaking nakita ko sa bar, ang pulis na si Kiro at ang dalawa pa niyang kasamahan.

"Oh hi Gov, napadalaw ka?" Bungad ng lalaking nakapolo na naka tucked-in sa jeans. Hindi ko mawari kung anong kulay dahil lahat ng makikita mo sa lugar ay berde dahil sa weirdong ilaw.

Tuloy-tuloy lang kami sa paglapit habang nakasabit ang kaniyang braso sa aking balikat.

"Stop asking Leonard. This is not your room, you have no rights." Mapaklang sabi nitong kasama ko kaya natatawang umiling ang sinasabi niyang Leonard.

Walang pahintulot kaming umupo sa bakanteng sofa. Hindi ako pinaligtas ng kanilang mga titig kaya hindi mawala sa 'kin ang hindi mahiya.



"I want you all to meet, my girlfriend Natasha Huston Sinfuego." Mas lalo niyang pinagdikit ang gilid namin at hindi na siya sa balikat nakahawak kun'di sa bewang ko na.

Pinagmasdan kami ng maigi ng isang lalaki.
"Girlfriend daw pero Sinfuego?" Bahagya itong ngumiti at tumungga sa hawak na kopita.

Napasinghap naman si Art.
"Wala kang pake Brant." Bumaling sa 'kin si Artives at inisa-isang pinakilala ang kaibigan. Leonard ang pangalan ng lalaking nakapolo, mukhang playboy kung titingan sa physical apperance. Brant naman ang katabi nito at ang panghuli ay si Kiro.

Hindi rin kami roon nagtagal at lumipat kami sa isa pang silid.

May pinapirmahan pa sa 'kin si Artives dahil requirments daw iyon para hindi manganib ang buhay ko. Medyo weird pero pinirmahan ko lahat. Ginawa namin iyon sa harap ng isang dragon na statue at may umiilaw na berdeng mata. Sinubukan ko ring magbasa sa mga dokyumentaryo kaso parang babaylan ang mga nakasulat, wala akong maintindihan.


Pranking My BossWhere stories live. Discover now