Chapter-33

713 13 2
                                    

New Life


Maaga akong nagising at kasalukuyang nakaharap sa salamin. Wala naman pinagbago, medyo halata lang ang eye bag ko dahil kulang sa tulog. Ang alam ko, tatlong oras lang akong natulog at pagod pa sa biyahe.

Kakatapos ko lang maligo kaya ni blower ko muna ang buhok ko. Napabaling ako sa phone ko na nakaibabaw sa harap ko dahil tumunog ito. Una kong napansin ang oras na alas kuwatro at sunod ang mensaheng nagpangiti sa labi ko.

Matapos kong mapatuyo ang buhok ko, nagsimula na akong mag make-up. Hindi ko talaga ma imagine noon na darating sa punto na marunong na ako sa bagay na ito pero heto ngayon, masasabi kong eksperto ako. Hindi sa pagmamayabang pero natutunan ko talagang mag ayos at mag lagay ng kulurete sa mukha kahit hindi ko ito hilig noon.

Sunod kong inayos ang buhok ko. Ginawa ko itong buns style. Siniguro kong pulido, walang baby hair na  nakalabas at hindi gusot-gusot. Nilagyan ko ito ng dalawang ponytail bago nilagyan ng hair net. Para masiguro, nilagyan ko rin ng hair pen. Nag spray rin ako ng spray net para maiwasang magusot.

Tapos na ako sa pag-aayos sa mukha. Natakpan na ang eye bag ko kaya fresh na ang mukha ko. Salamat sa mga cosmetics!

Pumunta ako sa kama at tinanggal ang robang suot ko. Pinalitan ko ito ng white long sleeve, at black na skirt. Tucked in ito kaya emphasized ang kurba ng katawan ko. May belt din at ang nasa paa ko ay black pump.

Inabot ko ang louis vuitton kong handbag at isinampay ang dining jacket or apron na gagamitin ko para sa serbisyo ko mamaya.

Lumabas ako sa condo unit ko't tumungo sa parking area. Agad kong nahagilap ang kotse niyang mercedes kaya't binuksan ko ang passenger seat at pumasok na.

Tulog ang kuya?

Nakayuko siya sa manibela suot ang kulay puting short sleeve shirt na naka terno sa brown jeans at loafers.

Hindi ko na siya inabala bagkus, hinalungkat ko sa handbag ko ang mini notebook na kung saan nakatala ang basic information about the flight, at types of aircraft na gagamitin.

Nareview ko na lahat. Hindi pa naman late kaya hinayaan ko siyang matulog eh ang kaso paano kung may duty siya?
Ocakes, problema niya na 'yon.

Nag scroll na lang ako sa social media para may mapag-abalahan at hindi nagtagal, gumalaw na siya.

Umayos ito ng upo at bahagyang nagulat sa aking presensya. Namumula pa ang mata niya nang ibalik ang salamin na tinganggal niya kanina.

Nginitian ko siya.
"Puyat na puyat?"

Umiling siya. "Slight lang," binuhay niya ang makina. "Kanina ka pa?"

"Mga isang oras," ikinabit ko ang seatbelt habang hindi inaalis ang paningin sa kaniya.

"Isang oras sa 'yo. 15 minutes lang ako nakatulog."

"15 mo mukha mo!"

Ang sarap lang sa pakiramdam na walang nagbago sa 'min ni Arvin. Feeling ko nga mas naging close kami sa isat-isa. To the point na ginagamit niya toothbrush ko kapag sa condo ko siya natutulog.

Pranking My BossWhere stories live. Discover now