Chapter-40

853 16 0
                                    

Solved

Nagising ako kinaumagahan na tila'y kompleto ang oras ng tulog ko. Ang sarap sa pakiramdam, kakaiba kumpara sa normal kung nakasanayan noon.

Habang nasa loob ng comforter, may mainit na brasong nakapulupot sa bewang ko. May mainit na hininga na tumatama sa batok ko.

Matapos ang nangyare sa 'min kagabi, nakatulog kami sa ganitong posisyon. Masaya at nagpapasalamat ako na hindi siya nakalimot sa pangako niya noon na hindi niya kukunin ang pagkakababae ko hangga't hindi niya pa ako naihaharap sa altar ng aking relehiyon.

Wala akong alam sa susunod na mangyayare. Haharapin ko ito kahit maging sabit at sana, handa niya akong ipaglaban at huwag isantabi kasi hindi ko na nasisiguro kung kaya ko pang lumaban kung sakali.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang pagkakayakap kaya nag silbi itong sagot sa bumabagabag sa 'kin.

"Good morning, my princess." Gumuhit ang maligamgam niyang hininga sa aking leeg. "How's your sleep?" Naramdaman ko ang kaniyang paghalik.

Hindi ako umimik sa kadahilanang hindi pa ako nakapaghilamos o kahit mumog man lang. Hinawakan ko ang kaniyang palad na malapit sa aking tiyan upang tanggalin ang kaniyang pagkakayapos subalit hindi niya ako hinayaan.

"Mamaya na, mag-usap muna tayo." Aniya na para bang nakapikit pa't inaantok.

"Ano namang pag-uusapan natin?" Nanatili sa rati ang posisyon namin nang biglang umalingawngaw sa buong silid ang phone ring. Kumalas siya't inabot ang phone sa may lamp shade at saka sinagot ang tawag.

"Something wrong, manager?" Unang bati ni Artives.

Ilang sigundo ang lumipas bago siya nagsalita ulit. "WHAT?" Mabilis niyang hinuli ang ulo ko't hinalikan sa noo. "Okay, okay, titingnan ko. Damn, bakit ang bilis?" Tumayo siya galing sa kama saka dumiretso sa may bintana sabay silip sa kurtina. "Fuck!" Narinig ko ang mahina niyang mura sabay balik sa kama habang kagat-labi't sinusuklay ng sariling buhok gamit ang mga daliri niya. "Don't worry okay? I'll fix this, immediately." Pinatay niya ang tawag at saka ako binalingan ng matang kinakabahan.

"Anong nangyayare?"

"Kailangan na nating umalis," sabay hablot niya sa damit na itinapon niya kagabi sa sahig.

"Bakit nagmamadali?" Hindi ko na rin mapigilan na hindi magpanic kaya umalis na ako sa comforter.

"I'll explain it to you later, kailangan na nating magmadali. Marami ng media sa baba, hindi nila tayo puwedeng maabutan."

Naguguluhan man, hindi na ako umangal nang hablutin niya ang pulsuhan ko at lumabas sa silid. Hindi na ako nag reklamo kahit na suot kong damit ay t-shirt niya tutal siya naman ang salarin kung bakit nahati ang damit ko kagabi.

Sa ibang daan kami tumatahak at literal na patakbo na ang ginagawa ko masabayan lang ang malalaki niyang hakbang. Nang makalabas sa building, saka ko na realized na nandito kami sa likuran. Rinig din ang ingay ng mga tao na nasa harapan.

"NANDITO SILA SA LIKURAN!" Sigaw ng isang binatilyo kaya tumakbo ulit kami subalit may sumalubong na sa 'min dahilan para naghanap ulit kami ng ibang direksyon na patutunguhan at sa hindi inaasahan, mas maraming tao ang sumalubong sa 'min. Napatigil kami at kaliwa't kanang naghanap ng puweding lusutan kaya lang corner na kami.

Habang lumilipas ang sigundo, mas humihigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin kasabay ng paglapit ng mga residente't journalist sa amin.

Tumikhim si Artives at nang tingnan ko ang kaniyang ekspresyon, seryoso itong nakatitig sa akin.
"No matter what happen, don't leave behind, don't run, and don't worry because I am here to protect you. No one will hurt you, trust me."

Pranking My BossWhere stories live. Discover now