"Mommy, alam mo naman dibang mahilig ako sa libro kaya nga ngayon ay isa na akong manunulat katulad nila. Na-inspire rin kasi sa mga kwentong binabahagi nila na hindi lang basta nakakatuwa pero nakakapagbigay-aral sa mga nakakabasa nito. Bago ako naging manunulat ay nagumpisa muna ako bilang isang mambabasa. Madalas ganyan na ganyan din nagsimula ang love story nila. Minsan ay hindi maganda ang unang pagkikita pero nagiging maganda naman ang susunod pero kadalasan maganda ang unang pagkikita pero sa mga susunod ay hindi pero sa bandang huli sila naman pala talaga ang nakatadhana sa isa't isa." nakangiting kwento ko naman kay Mommy habang hinuhugasan ang mga ginamit namin kanina.

"Ganun naman kasi talaga ang pagibig anak, hindi mo naman masasabi kung sino talaga ang para sayo. Mararamdaman mo nalang paggising mo isang araw, tinamaan ka na sa taong yun. Naniniwala ako na kapag nasa isang relasyon ka, kailangan piliin niyong dalawa na magwork ang relasyon niyo para magtagal kayo. Yung tipong kahit mag-away kayo ng malala, aayusin niyo pa ring dalawa. Hindi pwede palaging isa lang palagi ang gumagalaw sa isang relasyon. Bakit pa kayo tinawag na mag-partner kung nagiisa ka lang diba? Habang patagal ng patagal, mas nakikilala niyo ang isa't isa. Mas nagiging malalim ang koneksyon niyo." nakangiting sabi ni Mommy sa akin pagkatapos ay isinarado na niya ang fridge namin at tumungo sa gawi ko.

"Mommy, bakit yung iba naghihiwalay kahit ang tagal na ng relasyon nila sa kadahilanang di pa raw nila kilala ang isa't isa?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.

Bahagya itong natawa sa aking tanong ngunit tinignan ako ni Mommy sa mata bago niya sinagot ang katanungan ko.

"Hindi naman sa tagal ng panahon nasusukat kung gaano mo kakilala ang isang tao. Minsan nga yung 10 years mo nang kasama, may mga bagay at bagay pa rin kayong hindi niyo alam sa isa't isa pero meron naman na kahit 10 months mo lang kasama, kilalang-kilala ka na niya agad." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Naniniwala talaga ako Mommy na sa buhay natin, meron lang na dalwang tao na darating sa buhay natin. Yung una ay blessing at yung pangalawa naman ay lesson. Kapag nagmahal ka kasi diba yung puso mo yung sinusunod mo kesa sa isip mo dahil yun naman ang nagmamahal. Kapag nasaktan ka, yun yung mga taong lesson sa buhay mo. Sila yung magpaparealize sayo na may mas better pang darating sa buhay mo na talagang deserve mo tapos doon darating yung pwedeng maging blessing ng buhay mo. Yung tipong mas better at mas deserve yung pagmamahal mo." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"One day you'll live with a person you've prayed for. Yung tipong tatanggapin at mamahalin ka ng buong buo. Always remember that the right person won't run away when the things don't work out." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

Nasabunan ko na lahat ng mga ginamit namin kanina pagkatapos ay si Mommy na ang nagbanlaw ng mga iyon.

"Magpahinga ka na anak, alam kong pagod ka pero salamat dahil tinulungan mo pa rin ako." nakangiting sabi ni Mommy sabay pat ng aking ulo at halik sa aking noo.

"Sure ka Mommy? Kapag tapos ka na dyan, magpahinga ka na rin ah. Alam kong pagod ka ngayong araw, deserve mo rin magpahinga okay? Don't worry about me. I'm happy na nakatulong ako sainyo." nakangiting sabi ko kay Mommy sabay yakap sakaniya ng kay higpit.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko pagkatapos ay naghalf bath ako pagkatapos ay naglagay na ako ng skin care ko para sa gabi at nag-lotion.

Kumuha na ako ng damit pantulog at kaagad ko naman iyong sinuot. Nagsuklay na rin ako ng buhok at pinatuyo ko muna ito bago ako matulog. Nang matuyo na ang buhok ko ay naghanda na ako sa paghiga at nagdasal pagkatapos noon ay nilamon na ako ng antok.

6:45 AM

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng isang malakas na kalabog galing sa baba. Bumangon na ako sa kama at hindi na inintindi kung anong itsura ko pagkatapos ay kaagad akong bumaba ng hagdan para tignan kung anong nangyari.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon