"Salamat po.."

"Iho wag na sanang maulit yon, masakit din kasi sa part namin na makita nasasaktan ang anak namin." Aniya naman ni papa

"Gagawin ko po yung best ko patawad po uli at salamat."

Napangiti naman ako dahil atleast magkasundo parin sila ni dreiden, nang sumarado ang pinto alam ko nang walang tao kaya sa labas nalang ako magbibihis

Dinala ko ang damit ko, at lumabas na nang nakatowel mukha kong lumpia hehe

"W-Woah!" Biglang sigaw ni dreiden at napatakip nang mata na ikinagulat ko

"Yah!! Why are you here?" Sigaw ko

"K-Kinuha ko lang susi ko bat ba kasi nanggugulat ka dyan!" Sigaw den nito na nakatakip mata

"Ano ba! Labas!!" Taranta kong sabi

Nagtanggal ito nang takip pero tinignan ko ito nang matalim kaya patalikod itong lumakad pagilid at paabante hanggang makalabas

Hay nako naman dapat pala sinilip ko muna!! Aish! My body! Di pwede!

Dali dali naman ako nagbihis dahil baka masigawan nako ni mama dito sa kwarto sa tagal ko pagkaayos ko ay bumaba na agad ako

Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang nakangiting si dreiden

"Tagal mo ha? Nagpaganda ka pa ba? Nga pala narinig ko nagsisigawan kayo." Bungad ni kuya

"Oo nga bakit ano nangyare?" Tanong ni papa

"Eh kase po kukunin ko yung susi ko nakita ko si micha balot lang nang towel."

Tinaliman ko naman nang tingin ito pero di ito natinag! Tumawa pa ang loko! Yare ka talaga sakin!

"Hoy ano ba yan oh! Wag mo isuko ang lumpia anak!" Aniya ni mama

"Oo nga anak wag muna." Dagdag pa ni papa

Pagdating talaga sa oa, pamilya ko panalo

"Aksidente po yon, akala ko wala na kasing tao." Pagpapaliwanag ko

"Walang tao bukod kay dreiden? Yieee." Pang aasar ni kuya

"Gusto mo isaksak ko sa bunganga mo yang kutsara mo?" Pagbabanta ko dito

Tinawanan lang ako nito at inawat naman ako nila mama

Nang matapos kami kumain ay nagpaalam na si dreiden dahil uuwi pa to sa bahay nila

"Ihatid mo yung bisita mo sa labas." Sabi ni mama

"Eh mama ---"

"Ano? Mangangatwiran ka pa?"

"Sabe ko nga mama hehe."

Ano ba naman kasi naman ang laki laki na nito eh! Hmp!

"Btw first time ko makakita nang nakaganon na babae hahaha." Sabi nito

Bakit naman eto pa bungad niya? Napaka naman!!

"Babaero ka noon ngayon lang?"

"Oo, flirting lang naman ako non hindi yung spg no."

"Pero may na-kissan ka na?" Biglang lumabas sa bibig ko na ikinagulat ko din

"Bakit mo ata tinatanong jagi? Bwahaha ikaw ah?"

"Nevermind! Natanong lang! Masama ba?"

"Meron na, wag ka magselos." Ngisi nito

"Ako magseselos? Hinde."

"Magseselos ka din soon bwahaha!"

"Bakit mambababae ka?"

"Hindi hehe."

"Ah ok osiya ingat ka."

Yumakap naman ito sa akin

"Salamat, kita tayo mamaya sa school." Aniya nito at tinap pa ang bracelet dahilan na nagvibrate sa akin

"Lagi mong isuot yan ah." Dagdag pa nito at kumindat

Lumayo na ito sakin at kumaway, kumaway din ako tsaka tumalikod na para bumalik sa bahay

Pagbalik ko ay nagtoothbrush na agad ako at sabay na umalis kami ni kuya. Its current 7:30 am now, and 8:00 am ang klase namin ngayon kaya may oras pa

Nakarating din naman agad kami sa school dahil hindi traffic, never ako magsasawa at aayaw sa school na pinasukan ko ngayon

National University Laguna the best!!

"Hi micha at michael!" Pagbati ng guard namin

"Hello kuya!" Sabay na sagot namin ni kuya

"Mukhang maganda araw niyo kuya ah?" Aniya ni kuya

"Sahod day eh hahaha, osiya patingin i.d."

At sabay na pinakita namin ni kuya ang i.d namin, nakapasok naman agad kami at dumiretso na sa kanya kanyang kwarto

Pagpasok ko ay as usual ang ingay sa room dahil medyo marami narin kami. Wala pa sila yuri, keighan at austin kaya tahimik lang ako ngayon

Nagulat naman ako nang lumitaw si celine

Nakabalik na pala ito? At teka papunta sa akin??

"Hi micha!" Ngiting bati nito

"H-Hello." Sagot ko na naiilang kaya paiwas iwas nang tingin

"Uy wag ka na mailang sa akin okay na ko. Hmm sorry sa lahat ng mga ginawa ko." Seryoso nitong aniya

Seryoso ba to?

"Okay lang yon." Ngiti ko

"Talaga?? Pwede ba tayo maging magkaibigan?"

Kung hihindi ako parang guguho ang mundo nito, wala naman sigurong masama kung kaibiganin ko yung nagbago na diba?

"Sure!"

Nagulat naman ako nang yakapin ako nito

Bigla namang sumabat sila yuri sa likod at gulat

"Ano ginagawa niyo?"

"Bati na kami." Ngiti kong aniya

"Woah celine totoo??" Tanong ni yuri

"Yes. Nagbago na ko tsaka may bf narin ako na-realize ko masarap palang mahalin yung totoong nagmamahal talaga sayo."

"Paniss welcome back cel!!" Aniya ni keighan

"Thanks. Nga pala sorry din yuri." Seryosong sambit nito kay yuri

"Ano ka ba okay lang yon! Basta no more away na ha?"

Tatango tango naman si celine at nagtawanan kami lahat

Minsan mas magandang magpatawad ka agad, para wala ka nang dalang bigat sa kalooban. Kung hindi naman mabigat ang nagawa sayo, patawarin mo

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now