"Dapat kasi 143 Art para maka smile ako."

Ala gago! Batuhin kita ng canon gusto mo?
Pero sige pagbibigyan kita tutal bukas isang taon na tayo.

Muli kong itinaas ang camera at sa kaniya tinutok.
"1.4.3. Art," ang kaniyang ngiti ay naging halakhak kaya mas lalong gumanda ang kaniyang litrato.

Iniisip niya siguro na nauto niya ako.

***

Alas onse ng gabi at hinihintay na maghating gabi dahil ibig sabihin no'n isang taon na kami.

Nakaupo ako ngayon sa sala at tamang stalk lang sa instagram niya. Ewan ko ba't kilig na kilig ako sa post niyang bwesit siya. Ni post niya kasi 'yong picture namin kanina na may captioned 'my girl'. Tiningnan ko ang mga comment at halos maglaway sila dahil ang swerte ko raw at may guwapo akong guardian. Lingid sa kaalaman nila na may relasyon kami. Wala silang kaalam-alam na may namamagitan sa governor at kilala nilang ampon.
Hindi ko hiniling na malaman nila ang totoo. Sapat na ako sa patago para walang magulo.

Nag message sa 'kin si ate Angel kaya binuksan ko ito. Nag reply siya sa my day kong naka two piece at kunot noo.

From: angeldemoñeta
Bikini now, later bibigayan ka niya ng baby!

To: angeldemoñet
HAHAHA may pasalubong ako seyo ate Angel.

Mabilis naman siyang nag reply.

From: angeldemoñeta
Wah talaga?(with crying emoji) love mo talaga ako beauty huhu. Ano ba yang pasalubong mo?

To: angeldemoñeta
Patay na shell. HAHAHA

From: angeldeñeta
GRR! PASUKAN SANA SHELL MO!

Loko si ate Angel kaya hindi ko na siya ni reply bagkus si Grace na lang ang ni chat ko. Kinamusta ko dahil sa canda nag bakasyon.

Biglang lumubog ang gilid ng sofa na kinauupuan ko kaya batid kong may umupo roon.

Saglit ko itong binalingan at nginitian sabay baling ulit sa cellphone.

Sumiksik siya sa 'kin at hinagkan. Sumubsob sa leeg ko ngunit hindi ko binalingan. Normal kasi sa 'min ang ganiyan dahil tuwing galing siya sa kapitulyo, ginagawa niya ang bagay na ganito. Minsan nga nakakatulugan ang balikat ko.

Ka chat ko si Grace at sinabing boring daw sa canada kaya gusto ng mauna pauwi rito.

"Nat?" Bulong nitong katabi ko dahilan para panindigan ako ng balahibo. Syempre nasa leeg ko siya bumulong."How old are you now? 20?21?"

Binitiwan ko ang cellphone at inilagay sa tapat naming mesa. Tinanggal ko ang ulo niyang nakasiksik sa leeg ko kaya tumambad ang malamlam niyang mata.

"Mag tetwenty one, bakit mo tinatanong?" Na realized niya na bang malaki ang gap namin sa isat-isa?

Dahil hagkan niya ang manipis kong katawan, madali niya akong naalsa para mailipat sa kaniyang mahahabang hita. Naisampay ko tuloy ang kabila kong braso sa batok niya habang ang isa ay tumutulak ng bahagya sa dibdib niya.

Mukhang antok ang itsura niya't nagmamakaawa. Kung gaano kalam-lam ang kaniyang mata, gano'n naman ang kabaliktaran ng labi niya. Normal ang pula at nakakahipnotismo kung tatagalan mo ang titig sa kaniya.

"Nat," pinagtaasan ko siya ng dalawang kilay upang ipahiwatig na tinatanong ko kung ano ang kailangan niya. "Can. We. Make love?" Aniya sa pamamagitan ng malumanay na tuno.  Kinabahan ako bigla.

Pranking My BossWhere stories live. Discover now