Chapter 21 - The Battle Continues

619K 9.8K 723
                                    

*Kaz’s POV*

Napansin ko ang paparazzing nakasunod sa amin kaya napagdesisyonan kong bilisan ang pagmamaneho ng kotse. Patricia is too fragile to be caught in a crazy world called ”Show business,” besides, may ilang media ring nakakilala sa kanya. She was once an exclusive endorser of a famous lingerie line kaya naging Malaki siyang kawalan nang nagdesisyon itong huminto sa pagmomodelo para lang magpakasal sa gago kong kaibigan.  Kung malalaman ng media na nagdate kami ni Patricia, hindi buhay niya ang magugulo, pati na rin ang pinagtatrabaho-an niya.

Sa pagmamadali, hindi ko napansin ang pag-iba ng traffic light kaya agad akong umiwas sa sasakyang makakabanggaan ko sana. I tried to drift but I lost control of my wheels kaya napaikot ang sasakyan ko at bumangga kami sa poste. Mabilis ang mga pangyayari pero hindi ko inasahang maunahan ako ni Stuart sa pagkamusta kay Patricia.

Are you okay?” I was still in shock when I looked at them pero agad kong napansin na parating na yung mga paparazzing humahabol sa amin kanina kaya hindi na ako umangal nang sinabi ni Stuart na, ”Hintayin mo na lang ang mga police, Kaz. Ako na ang bahala sa kanya.

Gusto kong makaalis sila agad para hindi na sila maabutan ng mga paparazzing papalapit na sa kinaroroonan ko.

Susunod na lang ako sa inyo,” sabi ko habang binuksan ang pinto ng sasakyan ni Stuart upang mapasok niya agad si Patricia. Umaasa akong walang masamang injury si Patricia dahil naka-seatbelt kami pareho pero kung sakaling may masamang mangyari sa kanya, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Insaktong pinaharurot ni Stuart ang sasakyan nito ay ang pagdating ng mga paparazzi.

Kaz, ano –” hindi ko na pinatapos ang nagsasalitang media man dahil agad ko itong sinuntok.

Bakit niyo ba ako sinusundan huh?”

Teka, Kaz!” pagpupumiglas nito sa pagkahak ko sa kanyang kuwelyo, ”wala kang pruweba sa ibinibintang mo sa akin kaya pwedi kitang kasuhan sa panunontok mo.”

Ayoko nang patulan ang ugok na to kaya agad ko siyang binitawan at tinawagan na ang manager ko.

Ano ba tong kagulohang pinasok mo, Kaz? Di ba sinabi ko na sa’yo na layuan mo na si Patricia?” galit na nagpabalik-balik ng lakad si Roger sa harapan ko.

Andito na kami ngayon sa opisina ni Roger habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon tungkol sa banggaang nangyari kanina.

Masisira ang career mo dahil sa babaeng ’yan. Hindi pa nga tayo tapos sa problema natin sa Laguna, ito nanaman?” napahilot si Roger sa sentido.

Oo nga pala, yung nangyaring pagwalk-out ko sa pre-Valentine concert ko sa Laguna ay nagdulot ng malaking problema dahil kinasuhan kami ng mga organizers nun. Nagalit kasi sila dahil limang kanta ang usapan namin pero isang kanta lang ang ginawa ko. Itinakas ko kasi kaagad si Patricia nun kaya nawala sa isip ko ang kontrata.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now