“Surpresahin? Baka gulatin! BV ka.” Binigyan ko nga siya ng bonggang irap sabay walk-out ko sa front door ng bahay.

“Oh, saan ka naman pupunta? Andito nga ako para –“ Hindi ko na siya pinatapos magsalita, part of my inis acting ng makonsensya naman si pogi. “Kukunin ko ‘yung bag ko, iniwan ko sa likod. Nang dahil sa’yo dumaan pa tuloy ako sa bintana, akala ko magnanakaw ‘yung nangalampag kanina.” Sige lang Daryl, tawa pa. Akala mo naman nakakatuwa ‘yung ginawa mo.

“Snowy! ‘Wag naman ang bag ko please… Janport ‘yan.” Kahit hindi original at least class A ‘yan.

Ito talagang pagkataba-taba kong pusakal na puti, inaakyat ‘yung bag ko. “Halika nga dito, puss, puss, Snowy.” Kahit pasaway, ang cute niya talaga at matalino pa. Marunong siyang magpakarga. Itinaas na niya ‘yung katawan niya at inaabot ang bewang ko kaya kinarga ko na ang baby ko. “Huwag mo ng uulitin ‘yun ha, tara pakainin na kita.” Sinuot ko sa isang balikat ko ‘yung strap ng back pack at pumasok na kami sa loob.

“Hi Snowy!” Kilala niya si Snowy at mahilig din siya sa hayop. “Tara pakainin natin, asan ‘yung pagkain niya?”

“Andiyan sa may pangalawang cabinet,” tinuro ko ‘yung cabinet sa taas ng lababo habang kinu-cuddle ko ‘tong si Snowy.

“Bakit ang late mo umuwi? Sabi nila ninong 11:30 daw ang labas mo. Gumala ka pa noh?” Nilagay niya na ‘yung pagkain sa bowl ni Snowy.

“Muntik na, pinipilit nila akong mag-yellow cab kaya ang tagal kong nakaalis ng school at medyo traffic kasi may bungguan sa may Concepcion.” Nung makarinig siya ng yellow cab akala mo naman ipinagbabawal kumain dun. Matipid kasi ‘yang taong ‘yan, kay Kate lang siya hindi nagtitipid, pinag-iipunan pa lalo na kapag monthsary nila. “Sayang naman! Bakit hindi ka sumama, wala kang pera noh?”

Gusto ko sanang patulan ‘tong mokong na ‘to, pasalamat siya gusto ko na talagang magpahinga. “Daryl, mamaya na lang ha, pagod kasi ako.”

Hindi ko na kailangan pang sabihin “feel at home” kasi parang second home niya na talaga ‘to. Hindi lalagpas ang dalawang buwan na hindi siya pumupunta dito, masyado na siyang na-attach sa pamilya namin since tita niya lang ang nagpapalaki sa kanya dahil nasa abroad pareho ang mga magulang niya. “Aw, okay. Pahinga ka maigi.” Kita ko sa mukha niya na nalungkot siya.

Pumasok na ako ng kwarto, binuksan ang electric fan at nagbihis ng pambahay kong mini-shorts at dilaw na tee.

Great. Ang sarap ng feeling mahiga dito sa kulay berde kong bed sheet. At napakasarap sa mata ng asul kong kwarto – my fave color. Let’s start my muni-muni session. Hingang malalim…

Bakit ba Caroline? Napakahirap bang sabihin sa mga kaibigan mo na nililigawan ka ng kaibigan niyo? Iiiiiiihhhh!! Ang awkward kaya. Kaso, kawawa naman si Nick. Paano siya manliligaw ng maayos o freely kung hindi namin sasabihin? Dapat kasi siya na lang ang magsabi sa kanila, kaya naman niya siguro ‘yun di ba?

“Cee, movie marathon tayo please? Hindi mo naman kailangan gumalaw e, higa lang tayo sa sofa.” Gusto niya talagang mag-bonding kami. Ako rin naman eh, kaso gusto ko pang magmuni-muni. Okay, ayan na ang puppy face niya. Bakit ba napaka-effective niyan?

“O sige na, libre mo muna foodtrip natin?” Ako naman mag-puss-in-boots paawa face, tignan natin kung makatanggi ka. “Alright.” Effective! “I’ll be back in a few minutes. Lock mo ‘yung mga pinto.” Kuyang-kuya ang dating, sabagay, tatlong taon din naman ang tanda niya sa akin. Kahit ganun, sinanay niya akong hindi kuya ang itawag ko sa kanya.

Alas dos na pala, nag-eenjoy siguro sila ngayon sa pagkain ng pizza, kanino kaya napunta ‘yung parte ko. Hindi na ako magtataka kung kay kuya or kay Kate ‘yun.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon