"Hanggang ngayon mahina ka pa ding sumuntok. Psh!" panunuya ni Jake.

"Mahina pala ah! Gusto mong makatikim ulit ng isa?"

Aamba na ulit si Dave sa pagsuntok nang iharang ni Jake ang dala nitong kamay sabay iling.

"Tama na yung isa masakit na eh."

Napailing naman ako.

Inakbayan ni Jake si Dave saka hinila papunta sa dalawang nakahalukipkip habang nanonood sa kanila na nakangisi.

Its all an act. Now I know! Tsk! Tsk!

Muling bumalik sa dati ang lahat dahil tapos na ang palabas. May kanya kanya na ulit mundo ang iba naming classmates. Ang iba naman ay chismis dito chismis doon. Umingay ulit ang classroom.

"Alam mo kung anong tawag dun?" bulong ni Rae sakin. Umiling naman ako.

"Batian ng mga siraulo. That's how they welcome each other. Mga siraulo diba? Tsk!"

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Rae.

Nang mapadaan sa tapat namin yung dalawa ay babatiin sana ako ni Dave nang bigla syang inupakan ng pinsan ko saka hinila gamit ang braso na nakayakap sa leeg niyo.

Iiling iling ako. Kawawang Dave!

Humarap sakin si Rae na umiiling.

"Akala ko ba tatlo lang sila?"

"Akala ko din. Wala naman kaseng kinukwento si Jake about sa mga kabarkada nya."

"Surprise? Ganern?"

Nagkibit balikat naman ko.

"Tara!"

Tumayo ako saka hinila si Rae papunta sa pwesto nung apat.

I cross my arms infront of them saka sila tiningnan na ng masama. Napatigil naman ang mga ito sa pagtatawanan at pagkakamustahan.

"What a nice scene by the way. Bilib na talaga ako sa mga pasabog nyo at sa acting skills nyo. Bravo!" panunuya ko.

"You're being sarcastic and mean young lady. Alam mo bang hindi yan maganda sa babae?" sagot naman ni Dave sabay ngisi.

"Akala mo ba ay maniniwala ako sayong sinasabi? I'm beautiful even if i'm sarcastic or mean, gorgeous pa nga eh."

Sagot ko sabay flip ng hair.

"Oh! Anong say mo?" pang asar ni Rae. Tiningnan naman sya ni Dave.

"Did I say that you can interrupt someone's conversation, Miss?" may bahid ng pangasar at kasarkatikohan sa boses nito na ikinainis ni Rae.

"Alam mo nung isang araw ka pa eh. Nabubwesit na ako sayong lalaki ka. Makakatikim kana sakin subukan mo."

Aabang sasapakin ni Rae si Dave ng pigilan ko sya.

"Bitiwan mo ako Naomi. Ginagalit ako ng bwesit na lalaking yan," pagpupumiglas neto.

Tumayo naman si Jake para patigilin si Rae.

"Wait! Anong noong isang araw? Anong meron noong isang araw?" naguguluhang tanong ni Joshua.

"Eh paano noong nakaraang araw na pumunta kami ni Naomi sa Almond Desire Restau para maglunch eh bigla na lang yan umupo sa table namin. Eh hindi naman namin sya kilala tapos tinatanong ko sya akalain mo ba namang sagutin ako ng 'I don't want to talk to you so just shut the fck up, Miss'. Huh?! Sinong hindi maiinis doon. Tapos nung kinausap nya si Naomi nakangiti? May problema ka ba sakin Mr. Easton? Ha?"

Hawak hawak ni Jake sa dalawang braso si Rae dahilan para hindi ito makalapit kay Dave para sapakin o hampasin.

"Bakit ngayon nyo lang sinabi edi sana binungaran naming tatlo ng tig-iisang suntok yan kanina. Tatlo ang pawelcome sa kanya at tig iisa lang samin," pagmamayabang ni Joshua.

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now