Chapter 17 - The Game They Played

Začať od začiatku
                                    

Oo nga pala, nasa likod ko lang pala ang mga asungot. Bakit ba ako nag-assume na para sa akin ang mga ngiting yun?

*Stuart’s POV*

’That’s my girl,’ pagmamalaki ko sa isip ko nang makita kong rumampa si Patricia papuntang dalampasigan,  Tumabi siya kay Rea at nanood ng laro.  Nanatili akong nakatitig sa kanya habang umahon sa tubig. Sa pagkakataon na ito masasabi kong ’I am drawn to her,’ yun lang muna ang itatawag ko sa nararamdaman ko sa kanya.

She is the epitome of seduction and there is no doubt to it. Lahat yata na gagawin niya ay nakakahikayat kaya hindi ko mapigilang lapitan siya.

Sir, gusto mo ng towel?” nilagpasan ko ang babaeng flatchested na sumalubong sa akin. Nakapako ang tingin ko kay Patricia na ngayon ay napakagat ng labi habang umiwas ng tingin sa akin.  Hinila niya ang kaibigan niya at lumakad patungong restobar.

Go ahead, Patricia,’ bulong ko sa sarili ko, ‘kahit anong pilit mong tumakbo, mahahabol pa rin kita. I admit, I am starting to enjoy the chase.’

Madaling lumipas ang oras at natapos na rin kaming maghapunan kaya oras na para sa hinintay ng lahat – ang mag-inuman at magsayawan.

Ilang oras kaming nag-inuman habang yung iba ay nagsisayawan na. Nasa gilid lang ako naka-upo habang pinagmasdan siya.  Nakitawa siya sa mga kasamahan niya pero hindi siya umiinom.  Ganun lang ako hanggang biglang tumabi sa akin si babaeng flatchested, Rachel ata ang pangalan.

Sir, sayaw ta’yo,” niyaya niya ako.

Bigla akong kinilabutan nang iginapang niya ang kamay niya sa hita. Putcha! Bakit imahe ni Patricia ang agad kong naisip?

Tumayo ako at iniwan siyang nabato sa kinauupuan niya. Agad kong tinungo si Patricia at hinila siya palabas ng restobar. Mga lasing na ang mga kasama niya kaya hindi na siya mapapansing nawawala.

S-stuart, I mean, Sir, saan po tayo pupunta?” narining kong tanong niya pero hindi ako sumagot.

Hinila ko siya hanggang marating namin ang resthouse ni Angelo.  Hindi ko alam kung bakit dito ko siya dinala basta ang alam ko, gusto ko siyang ma-solo.

S-sir, ano po ang ginagawa natin dito?” huminto siya sa paglakad.

Patricia,” hinarap ko siya, “Layuan mo si Kaz.”

Huh? A-ano ba yang pinagsasabi mo?” nauutal niyang tanong.

May kasunduan kami,” hinawakan ko ang magkabila niyang braso, “nakipagkasunduan siya na ilayo ka sa akin kapalit ang isang double date na all-expenses paid ko.”

Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko kaya sinagad ko na, “Laro lang para sa kanya ang lahat, Pat. Kung anuman ang inisip mong nararamdaman niya ay hindi totoo yun.”

Pasensiya na po, Sir. Hindi ko po magagawa ang ipinakausap mo.”

Bakit? Dahil siya ba ang nakabili ng lahat ng gabi mo?”

*Patricia’s POV*

Bakit? Dahil siya ba ang nakabili ng lahat ng gabi mo?” hindi ko alam pero nasaktan ako sa narinig kong sabi niya. Binili? Ganun ba ang tingin niya sa akin?

Layuan mo siya. Kung kailangan kong doblehen ang bayad ay gagawin ko basta’t huwag ka nang sumama sa kanya gabi-gabi,” narinig ko ang pagsusumamo niya.

Bakit?” umasa ako na ang dahilan nun ay nagseselos siya; umasa ako na nagseselos siya dahil nakaramdam na siya ng pagmamahal sa akin.

Dahil akin ka lang,” lumapit siya sa akin at hinalikan ako.

Totoo ba ang narinig ko? Inaangkin niya ako? Bakit? Mahal na ba niya ako? Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa ginawa niya. Paasahin na naman ba niya ako? Pahuhulugin pero hindi sasaluhin?

Madali niyang tinapos ang halikan namin habang pinahiran niya ang luha ko gamit ang kanyang hintuturo.

Alam mo bang pinangarap kong maging luha mo? Dahil gusto kong isilang sa mga mata mo, malandas ang pisngi mo at mamatay sa labi mo,” sabi niya saka siniil muli ang mga labi niya sa akin.

Stuart,’ bulong ko sa sarili ko, ’naibigay ko na ang lahat. Wala nang natira sa akin.’

Marahan ko siyang tinulak at lumayo sa kanya. May isang bagay na lang ang natira sa puso ko – ang pagmamahal ko sa sarili ko. Kung pati ito ay isusuko ko, wala nang matitira pa sa akin. Malungkot akong iniwan siya. Ibibigay ko lang yun kung kaya na rin niyang ibigay ang puso niya sa akin.

Sabihin mo lang ang mga katagang matagal ko nang inasam na marinig galing sayo, Stuart. Hindi ako magdadalawang isip na buksan ang puso ko para sa’yo.

___________________

AN: Lame ang pagkagawa nito dahil dinalaw po ako ni WRITER’S BLOCK.  Pero babawi po ako… maghahanap muna ako ng inspirasyon. (Hindi ko po ‘to nireview kasi talagang tinamad ako. Kayo na po ang bahala sa wrong spelling at wrong grammar dito)

Teaser for the next Chapter: Sisimulan na ni Stuart ang pagbili sa ex-wife niya.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now