Nicole: Nope, patulog na.

Naglog-out na kami ng mga kaibigan ko at nilapag ko na ang phone ko katabi ng lamp ko.

Franchezka Aleah Imperial logged out

Maureen Ysabel Sanchez logged out

Carmellaize Nicole Ferrer logged out

Adrixeinna Marie Victoria logged out

Kinuha ko ang kumot ko para makapagpahinga ngunit bago ko ipikit ang mga mata ko ay nagdasal muna ako sa Panginoon.

6:00 AM

Isang malakas na kalabog ang nagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog, bumangon ako at kinukusot kusot ang aking mga mata. Isinuot ko ang aking tsinelas at kinuha ang phone ko.

Hinawi ko ang kurtina sa aking kwarto, nagpunta ako sa balcony ng aking kwarto at nag-inat inat doon.

"Magandang umaga Pilipinas! Napakataas ng sikat ng araw at kay liwanag talaga sa umaga! Panibagong araw na naman ang haharapin ko." kasabay ang pag-iinat ko sa sarili.

Dinama ko muna ang liwanag ng araw bago ako pumasok muli sa aking kwarto pagkatapos noon ay kaagad akong nagpunta sa cr para maghilamos at magtoothbrush.

Nang makatapos ay naglagay ako ng mga skin care products at moisturizer sa mukha ko.

"Ayan self, fresh ka na ulit!" nakangiting sabi ko sa sarili habang nakatingin ako sa salamin.

Pababa na sana ako dala ang aking phone ngunit biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa noon si Mommy.

"Oh anak, gising ka na pala! Good morning!" nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Good morning Mommy! Sina Kuya at Daddy po? Nasa baba na po ba sila at ako nalang ang hinihintay for breakfast?" nakangiting tanong ko kay Mommy.

"Oo anak, tatawagin na dapat kita para makakain ka na ng almusal mo. Hinihintay ka na nilang bumababa sa dining room naten." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Sige po, tara na po Mommy!" nakangiting sabi ko kay Mommy at lumabas na kami ng aking kwarto at sinarado ko na rin ang pinto nito.

Naglakad na kami pababa ng hagdan at agad kong natanaw ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Daddy sa akin at ang pinagsakluban ng langit at lupa na mukha ni Kuya.

"Good morning anak!" nakangiting bati ni Daddy sa akin at agad naman akong yumakap sakaniya.

"Good morning po Daddy!" nakangiting bati ko rin kay Daddy at kaagad rin akong niyakap rito.

Gamit ang aking mga mata at tinignan ko si Mommy na tila sinasabi ng aking mga mata na "Anong nangyari kay Kuya at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kaniyang mukha?" ngunit tinignan lamang din ako ni Mommy na tila sinasabi ng kaniyang mga mata na "Wala akong alam kung bakit ganyan ang Kuya mo, kanina pa siyang ganyan."

"Good morning Kuya, anong nangyari sayo? Para pang biyernes santo ang mukha mo riyan tsaka wag kang mangalumbaba dyan sa lamesa, masama yan." pabiro kong sabi kay Kuya.

"Morning, walang good sa morning ko." masungit na sabi ni Kuya sa akin.

"Xennus, umayos ka. Nasa harap tayo ng hapag-kainan." maawtoridad na sabi ni Mommy kay Kuya.

"Anong problema mo Kuya? Agang aga ha, nagsusungit ka na naman daig mo pa ang babaeng nireregla eh." mataray kong sabi kay Kuya.

"Wala, kumain ka nga lang dyan." masungit pa rin nitong sabi sa akin.

"Wala pero ganyan ang itsura at pakikitungo mo." pabulong kong sabi kay Kuya.

"Ano yon Xeinna?" masungit na sabi ni Kuya.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now