Paborito pa rin pala nya ang Gatotade na blue.

Dati kase nung grade six kami kapag p.e bibili muna sya nun bago maglaro. Nakakalakas daw kase yun ng loob.

Habang umiinom ng milktea ay may naisip ako. Agad kong kinuha ang dalang laptop tsaka lumapit kay Asul.

Nagulat naman ito sa paglapit ko kaya ngumiti na lang ako sa kanya at pagkuwan ay umupo sa bangkong nasa kanyang harapan.

"Pag usapan na natin kung anong gagawin sa thesis. May time pa naman kaya why not diba?"

May kinuha itong yellow paper sa bag saka inabot sakin.

"I've done my part. I-type mo na lang at ipaprint pagkatapos."

Yun lang??

Nakasimangot na binasa ko iyon.

"Ang dami naman? Ikaw lang magisa ang gumawa neto?"

Grabe naman ang utak ng lalaking ito. Nakaya nyang gawin ito ng isang araw lang tapos 10 pages pa?

"Dapat nagpatulong ka sakin. Diba sabi mo kailangan magkasama tayo para matapos natin 'tong thesis? Daya talaga neto."

Pagmamaktol ko.

"Gawin mo na lang yan pwede? Ang ingay ingay mo. Di ka pa rin nagbabago madaldal ka pa din."

Natigilan naman ako sa sinabi nya at agad na napa angat ng tingin sa kanya.

"Ikaw lang naman itong nagbago."

Seryosong tumingin sya sakin.

"Hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo para lang kalimutan yung sakit. Pwede mo namang tanggalin yung sakit sa parang hindi ganito. Di mo naman kailangan umiwas sa mga tao sa nakaraan mo malay mo sila pa pala yung makakatulong para maging mas better ka."

Yung seryosong tingin nya sakin mas naging intense pa.

"Alam mo bang hinintay kita? Lagi kong hinihiling na sana isang araw lilitaw ka na lang ulit sa tabi tapos kakausapin ako tulad nung una mong ginawa. Umaasa akong babalik ka at magkakaayos tayo ulit. Ngayong nandito ka na ulit gagawin ko ang lahat para lang bumalik tayo sa dati. Asul bati na tayo. Please! Asu----"

"Will you please shut up!"

Napaigtad ako sa biglan nyang pagsigaw.

"Hindi lahat pwede mong ibalik sa dati. At saka wala naman akong sinabing hintayin mo ako, diba? Magalit ka sakin kung yun ang gusto mo dahil sa pananakit ko sayo noon, gawin mo. Pero please lang huwag mo na ulit akong kakausapin dahil naiirita ako."

He said in anger tone then immediately stood up and storm out the door.

Napatulala naman ako sa pintong nilabasan nya. Dagli akong nilapitan nung tatlo.

"Anong nangyari? Bakit kayo nag away dalawa," nag aalalang tanong ni Rae.

"Hindi kami nag away. Sya lang itong biglang nagalit."

"Huwag mo kaseng bibiglain ng ganun."

Sinamaan ko ng tingin si Jake.

"Hindi ko naman binigla. Pinaliwanag ko lang na hindi lahat maaayos sa paraang kailangan nyang magbago."

"Huwag mo na kasing ipaalala. Hindi pa rin kase nya matanggap. Ang gawin mo na lang ipakita sa kanya na handa kang gawin lahat para lang maibalik yung dati nyong samahan. Saka mo na balikan yung nangyari noon kapag handa na sya."

Siguro nga tama sya. Kapag okay na ulit kami at handa na sya saka ko na lang sya kakausapin para maayos at tuluyan na naming makalimutan yung dati.

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Kde žijí příběhy. Začni objevovat