Nasisinagan na naman ng araw ang kanyang buhok kaya nama’y lumilitaw ang pagka-brown nito. Naka-layer ang mahabang buhok niya kaya may tumatama ito sa pakurba niyang oval tanned face. At sinong hindi mabibighani sa inosente niyang brown eyes na may kislap na nagsasabing isa siyang anghel na nagkatawang-tao lamang. May mga anghel namang kayumanggi. Halos pareho lang kami ng skin tone, lamang lang ako ng kaunting brightness.

Look who’s playing.” Nag-pout siya at nasilayan ko nang bahagya ang hunter face niya. Siguradong may gwapo sa mga naglalaro kaya nanonood ang diyosang ito.

Napatingin naman ako sa direksyon ng tinitignan niya. Mga pawis na pawis na manlalaro lang naman ang nakikita ko. “Wala naman akong kakilala diyan e.

Siguro kailangan mo ng mag-pacheck up sa doktor mo, bes. Baka kailangan ng itaas ang grado niyang salamin mo. Look closer.” Siyempre naghanap naman ako ng gwapo. Mayroon naman pero hindi ganoong gwapo ang type ni bes.

Lahat naman ng players natitigan ko na pwera lang ‘yung narito sa side namin since nakatalikod pa silang lahat sa amin dahil may rally na nangyayari. Ang ganda ng laro. Ang tagal mamatay ng bola. “Nasaan ba?

Sabi nga ni Lord, ‘Seek and you will find!’” nilaliman pa niya ang boses niya at nag-boses lalaki kaya natawa ako nang bahagya sa kanyang pagkakasabi. Naman e! Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin? May pa-misteryosa effect pang nalalaman. “Kaunting faith naman diyan ‘te.

Kahit anong kulit ko sa kanya na sabihin kung sino ang tinutukoy niya ay ayaw pa rin niyang sabihin sa akin. Ikahiya ko pa raw dahil hindi ko makita ang nakikita niya.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa kanyang tinutukoy. Kaunting ctrl+F pa at nakita ko rin. May lalaking hindi katangkaran ang sumalo ng bola at mag-seserve. Nakayuko siya pero hindi ako maaaring magkamali sa buhok na ‘yun. “Bes, si kuya K-Pop.” bulong ko sa kanya at sumigaw naman ako,“go kuya!” Hindi ko na napigilan pa, ang gwapo, grabe.

Initsa niya ang bola, tumalon ng mataas at tsaka pinalo iyon. Ace! Ang astig talaga niya. Gwapo na, ang galing pa sa sports – small but terribly handsome and awesome.

Ang curly mohawk na hairstyle niya ang naging dahilan kung bakit tinawag namin siyang kuya K-Pop. Isa pa, hindi namin alam ang pangalan niya kaya ‘yun na lamang ang itinawag namin sa kanya. Basta makakita kami ni bes ng gwapo, binibigyan namin agad ng code name. Katulad nila kuya elevator, kuya lagoon, at kuya OC as in Open Court na pinangalanan namin base sa kung saan namin sila unang nakita. Sa laki ng populasyon ng university namin ay minsan lang namin nakikita ang mga crushes namin. Lalo na si kuya elevator, brownout kasi sa elevator lately.

Si kuya K-Pop lang ang madalas naming nakikita dahil lagi siyang naglalaro sa may tennis court. Varsity player kasi siya. Kaya ganoon na lamang ako ka-slow kanina at natagalan akong makita siya dahil mas sanay akong nakikita siyang humahampas ng bola gamit ang raketa kaysa hampasin ito gamit ang kamay.

Tumitili na ‘yung puso ko, bes!” Nakahawak ako sa dalawang balikat niya. Nakaupo na ulit siya at humarap pa sa court. Nakalaylay ang kanyang mga paa at iginalaw-galaw pa ‘yun sa kilig. Kung kiligin naman ito, akala mo walang boyfriend. Sumbong kita sa Dy mo e, harot!

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now