35

697 15 15
                                    

Song: Ikaw At Ako by Moira and Jason

--

"Akala ko ba sinundan mo si Ate?"


Napatingin sa akin si Zeke nang itanong ko iyon. Nandito kami ngayon sa kusina ng condo ko. Umalis na din kasi si Ari nung makita si Zeke, narinig niya ata na kakausapin ako ni Zeke. Saka may gagawin pa daw siya kaya 'di na siya nagtagal.


Nagluluto naman ako ngayon, lunch na din kasi. Nakakahiya naman kung wala akong mapakain sa kaniya. 


"I did." Sabi niya. "She kinda.. pushed me away." Umiwas siya ng tingin at mahinang tumawa.


Bumuntong-hininga ako at pinatay muna ang kalan para tumabi sa kaniya. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa tabi niya. Pagkatapos non ay huminga siya ng malalim at hinilamos ang kamay niya sa mukha na para bang sobra na siyang namomoblema.


Mahirap suyuin si Ate. Alam na alam ko iyon. Kung hindi nga lang nangyari ang lahat ng iyon ay hindi pa kami magkaka-ayos. Noon ay ilang beses ko na sinubukang suyuin at tanungin siya kung bakit galit siya sa akin pero mas lalo niya lang akong tinutulak at pinapaalis. 


Kaya alam ko na sobrang hirap para kay Zeke ang sitwasyon nila ngayon ni Ate. Nawala ang anak nila. Kailangan nila ang isa't isa.


"Mahal mo talaga si Ate?" 


Tumingin siya sa akin bago dahan-dahan tumango. "Sobra, Sabrina. Sobrang mahal ko ang ate mo." 


Ngumiti ako. Alam ko na iyon ang isasagot niya. "Alam kong mahirap si suyuin si Ate. Alam kong sobrang hirap. Pero kung mahal mo ang isang tao, Zeke, kahit gaano kahirap ipaglalaban mo siya."


"But how, Sabrina? She kept on pushing me away. I'm so tired." His voice broke. "Pagod na 'ko lumaban, Sabrina."


I looked down. Ang hirap niyang tingnan. I always see him either serious or happy, but hindi ganito. He looks miserable.


"Don't give up, Zeke. Alam kong balang araw, babalik din siya sa'yo. Pagpahingahin mo muna ang sarili niyo. Fix yourselves first. " I smiled.


Tumango siya. He sighed and closed his eyes. "Thank you, Sabrina. You were always there whenever I need someone." 


Tumawa ako. "Syempre naman, boss. Dito lang ako." Tumayo ako at niyakap siya.


He's my friend after all. Hindi man naging maganda ang nagawa niya sa akin, okay lang. At least natama niya ang nagawa niya. Okay na ako doon.


I caressed his back. "Ate Shaira loves you so much, I know it." 


I heard him chuckled and pushed me gently. "Tama na at mukhang mapapatay na ako ni Axton."


Bumitiw naman ako agad sa yakap, nakakunot ang noo. Ngumisi siya at tumingin sa likuran ko.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now