26

483 11 10
                                    

Song: Malibu Nights- Lany 

maganda if pakinggan niyo siya while reading this chap ;)

--

Zeke fooled me?


Nakatingin pa rin ako kay Ate Shaira habang patuloy na lumuluha. Hindi ko maintindihan. Gulong-gulo na ako. Tiningnan ko si Zeke, nakatingin siya sa akin ng may pagsisisi sa mukha. 


"T-Totoo ba 'yon?" Nanghihina kong tanong.


"I'm sorry, Sab.."


Napatulala ako sa kaniya. Punong-puno ng luha ang mga mata ko. Kasabwat niya si Ate?


"B-Bakit?" I sobbed. 


Bakit nagawa niya sa akin iyon? Anong dahilan? May ginawa ba akong masama?


"Awww..Masarap ba halikan ang boyfriend ko?" She raised a brow. "Ha, Sister? Masarap bang maloko?"


"Shaira, stop." Zeke tried to stop her. 


My jaw clenched. "Ano bang ginagawa ko sa'yo, ha? Bakit ka ba galit na galit sa akin?" 


Ngumisi siya at hinatak ako papasok ng kwarto. Sinarado niya agad iyon para hindi makapasok si Zeke.


"Shaira! Open the fucking door!" Zeke shouted.


Bumaling sa akin si Ate at nang-aasar na ngumiti. "Do you really want to know why?" 


Kumuyom ang kamao ko at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa galit. Dati ay napipigilan ko pa ang sarili kong hindi siya patulan pero ngayon hindi ko na alam. Galit na galit ako. Napakasama. Ang selfish.


"Oo." Matapang kong sabi. "Bakit, ha? Bakit?" 


Mabigat ang paghinga ko, sinusubukan kumalma. 


"Hihiwalayan na ni Daddy si Mommy." Sabi niya. Nanigas ang katawan ko at natulala sa kaniya. "At dahil 'yon sa malading totoo mong nanay."


Napaawang ang bibig ko at hindi makagalaw. Parang may bumagsak sa akin na malamig na tubig at hindi makapagsalita. 


What?


Unti-unting sumikip ang dibdib ko at mabilis na tumulo ang mga luha ko. Paulit-ulit akong lumunok at halos hindi ko na makita si Ate dahil sa mga luha ko. 


"A-ano bang sinasabi mo?" Pilit akong tumawa pero mas lalo lang akong lumuha. "N-nababaliw ka na ba?" 


Ramdam ko ang pag-akyat ng galit sa sistema ko. 


Ngumiti siya. "Ang sinasabi ko lang..." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko na parang naaawa siya sa akin. "Anak ka sa labas."


No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now