18

390 9 0
                                    

"Itanong mo diyan kay Zach."


Walang emosyon na tumingin sa amin si Zach, hindi alam kung bakit nasali siya sa usapan. Kanina pa kasi ako tinatanong ni Hanson kung sino 'yung nililigawan ni Axton. Nakakairita!


Isang linggo na ang nagdaan at tinototoo nga ni Axton 'yung sinabi niya kay Jaydie. He's so vocal about it lalo na sa social media kaya nalaman nila Hanson. Although, ang pinapakita lang ni Axton ay kamay at buhok ni Jaydie. 


"Si Zach ba 'yung bestfriend?" Nagtaas ng kilay si Hanson.


Bumuntong-hininga ako. "Ako ba kapatid? Saka bakit hindi niyo alam 'yon?"


Bakit parang mas may alam pa ko kaysa sa mga kapatid at pinsan ni Axton? Parang ako pa kapatid, ah. Psh.


"Magtatanong ba kami kung alam namin." Sabi ni Zach kaya napaayos ako ng upo.


Nakakatakot kasi ako boses niya, parang ililibing ka ng buhay. Hindi ko alam kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya, e para siyang taong halimaw. Pero gwapo.


"Si Jaydie nga." Napakamot ako ng ulo, natakot na kay Zach.


Nagsalita na siguro siya kasi naiinip at naiinis na siya sa amin ni Hanson


"Jaydie?" Tanong niya pa.


"Jaydie Alvarez. 'Yung chef." Sumandal ako sa couch at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ang awkward sabihin non.


Kumunot ang noo ni Hanson at pumunta sa harap ko. "'Yung crush ni Kuya nung bata pa tayo?" 


I nodded.


Nagulat ako ng humagalpak siya ng tawa, nakahawak pa sa tiyan niya. Weird.


"E diba panget  'yun? 'Yung mataba saka nakasalamin?" Tanong niya, hindi pa rin tumtigil sa pagtawa.


Umirap ako at nilabas ang cellphone ko. Binuksan ko ang IG at hinanap ang account ni Jaydie. Pinindot ko ang isang picture niya bago pinakita kay Hanson.


"Oh! Gago! Anong panget diyan?! Porket medyo gwapo ka, e! Mas maganda pa 'yan sa fiance mo, gago 'to!" Sigaw ko sa mukha niya.


Tiningnan naman niya ang picture at nanlaki pa ang mata. Napahawak siya sa bibig niya.


"Maganda nga, wala kang panlaban." Bulong niya pero rinig na rinig ko.


Grabe 'to!


"Napaka kapal mo! Ikaw kaya pinaka panget sa Fernandez Clan!" Hinatak ko ang buhok niya.


Sobrang insecure ko na nga kay Jaydie tapos sasabihin pa niya 'yon! Ang kapal, men!


"Bwisit! Gago! Gago!" Paulit-ulit na sabi ko habang sinasabunutan siya.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon