32

590 11 7
                                    

"Axton, wait.."


Tinulak ko si Axton papalayo sa akin at dinilat ang mata ko, hindi na ako makahinga. Salamat na lang sa diyos at humiwalay na siya sa'kin. Baka mamatay na ako dito dahil hindi na ako makahinga.


Dinikit niya ang noo niya sa'kin at katulad ko, naghahabol din siya ng hininga. Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa office ko!


Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Halatang nakainom siya dahil naamoy ko ang alak sa hininga niya, nalasahan ko pa!


"Sabrina," he whispered, nakatingin pa rin sa labi ko.


Binaba ko ang kamay ko mula sa leeg niya hanggang sa dibdib niya para pigilan siya, lumalapit nanaman kasi ang mukha niya sa akin. Pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa akin.


Hiningal pa ako, teka lang!


"Lasing ka ba? Anong ginagawa mo?" Nanghihinang tanong ko dahil dahan-dahan niyang hinahaplos ang bewang ko. 


Kahit na nababaliw na ako sa mga hawak at titig niya ay nakakapag-isip pa naman ako ng maayos. Saka ano 'yung sinabi niya kanina? Miss niya na ako? Saka.. Bakit niya ako hinalikan? Paano kung malaman ni Jaydie 'to? Ayokong maging kabit!


"I'm not drunk." He touched my lips with his fingers. "I miss you." 


Akmang lalapit na siya sa akin pero nilayo ko ang mukha ko. "Axton, may girlfriend ka."


Kumirot ang puso ko nang sabihin ko iyon. Gustong-gusto kong halikan siya, yakapin siya, pero paano? Paano kung alam kong may taong masasaktan dahil may girlfriend siya. Kahit naman mahal na mahal ko si Axton ay ayaw kong makasakit ng tao. Ayokong makasira ng relasyon. 


"I don't have," he said and kissed me again.


What?


Nanatili akong nakadilat habang hinahalikan niya ako, iniisip kung ano ang sinabi niya. Pero nang haplusin niya ang braso ko ay napapikit na ako at hinalikan na din siya.


"Sabrina, anak-" 


Agad kong natulak si Axton kaya naman napabitaw siya sa akin at muntik pang matumba. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa pinto at gustong-gusto ko nang magpakain sa lupa ng makita si Daddy doon!


Patay!


Mas bumilis ang tibok ng puso ko at parang mahihimatay na ako nang makita ko si Daddy na nakataas ang kilay sa amin.


"What a surprise.." Sabi ni Daddy at tumingin kay Axton. Pinigilan kong matawa nang makitang lumunok si Axton at umayos ng tayo, kinakabahan. "Mukhang nakaistorbo pa ako." Tumaas ang kilay niya at humalukipkip.


Napatingin ako baba at napapikit na lang sa hiya. Bakit ba kasi nandito si Daddy?! I mean, si Axton!

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon