14

411 9 0
                                    

"I'm sorry."


Tumingin ako kay Axton na ngayon ay nakahiga sa tabi ko. Medyo lumayo lang ako at hindi masyadong dumidikit dahil baka mahawa siya. Kanina pa siya nagsasabi ng sorry pero ngayon ko lang siya hinarap.


Alam ko na gusto niyang bumawi sa akin. Sa mga kilos pa lang niya at pag-alaga sa akin ay nakita ko na gusto na niya makipag-ayos. Ako din naman. Sa buong pagkakaibigan namin ay  ngayon lang kami nag-away ng ganito kalala.


"Sorry for shouting at you, ignoring you, sorry for everything, Sabrina." He looked at me.


Seryoso siya ngayon, sa pananalita pa lang niya ay para siyang nasa business meeting. Nakakatakot na ewan.


"Okay lang. Sorry din." I smiled a bit.


Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. "No, you don't have to be sorry. It's my fault. I should have listened to you."


Bumangon din ako at sinandal ang sarili sa headboard ng kama. "No, I'm sorry. Ako ang nagsimula. Hindi na dapat ako nagtampo sayo. Nagtampo lang ako kasi hindi mo sinabi na kayo na pala ni Jaydie. That was so immature." 


"Hindi kami ni Jaydie-"


"But eventually magiging kayo din, right? The way you look at her, the way she looks at you. It shows that you are so in love with each other."  


"No-"


"You don't have to deny it, Leo. It's fine. And I'm happy for you." I smiled at him. "Let's sleep."


Bumuntong-hininga ako at humiga. Tumalikod ako sa kaniya at naramdaman ko namang humiga na din siya. 


Napaisip ako. 


Kapag ba sila na ni Jaydie..kailangan ko bang medyo lumayo kay Axton. Syempre 'di ba. Ang weird namang tingnan kung may girlfriend siya tapos ang clingy ko pa rin kay Axton. Siguro..kailangan ko na ding sanayin ang sarili ko na hindi pwedeng laging nandyan si Axton. Na hindi sa lahat ng pagkakataon maliligtas niya ako sa bawat pag-ulan. 


Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang naiisip ang mga bagay na iyon.


"Goodnight, Sabie," he said.


"Goodnight," I whispered.


Parang hindi ko kaya..

--

"Ano okay ka na ba?! Uminom ka na ba ng gamot mo?! Wala bang masakit sa'yo?! Nako, Sabrina! 'Wag ka muna magtrabaho!" 


Nawawalang pasensyang tiningnan ko si Ari. Simula ng dumating siya sa Condo ko ay puro na siya sermon. Kanina niya pa paulit-ulit na sinasabi sa akin na huwag na pumasok, uminom ng gamot tapos pa maya-maya pinagagalitan ako. 


"Oo na, Arianne." Sabi ko at sadyang binuo ang pangalan niya para matigil. "Hindi nga ako pumasok ngayon, e."

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now