9

367 11 0
                                    

"Kahit ilang beses na ako nakapunta dito ang ganda pa rin talaga."


Manghang-mangha akong nakatingin sa Taal Volcano. Pagkatapos kasi namin kumain ay dumiretso kami dito ni Zeke. Madami pa daw kami pupuntahan pero sabi ko ay dito muna kami. Madaming beses na ako nakapunta dito sa Tagaytay pero hanggang ngayon ay maghang-mangha pa rin ako sa ganda nito.


Minsan kasi ay sinasama ako ni Axton dito kapag magv-vacation ang buong family nila. Hindi naman kasi mahilig mamasyal sila Daddy. Si Ate lang kasama siguro ang mga friends niya, hindi ko alam. Baka kung sino-sino.


"Yeah.." He whispered.


I looked at him and caught him staring at me. 


Luh? 


Baka bigla lang tumingin sa iyo, Sab! Assuming mo! Bakit ka naman niya tititigan? Maganda ka ba?


Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Masyado akong naga-assume. 


Pagkatapos namin doon ay madami pa kaming pinuntahan at kinainan. Its was actually so much fun na hindi na namin namalayan na gabi na. 


Pagod na sumakay kami sa kotse niya, kanina pa kasi kami palakad-lakad. Ang sakit na din ng paa ko. 


"Do you want coffee?" He asked while driving.


I only nodded and closed my eyes again. Sobrang pagod na ako. 


- -- -

Dinilat ko ang mata ko at dahan dahang umupo sa kama. Tumingin ako sa paligid at nagulat ng wala ako sa kwarto ko!


Puta nasaan ako?!


Nilibot ko ang tingin sa paligid. Malaki ang kwarto. Pinaghalong kulay puti at itim. May dalawang pintuan na baka  ang isa ay sa restroom at isa ay sa closet. 


Kaninong kwarto 'to?!


Nagpa-panic na hinanap ko ang cellphone nang bumukas ang pinto. Lumingon ako doon at nakita ko si Zeke na nakangiti nang makitang gising na ako.


Kasama ko nga pala siya kahapon!


"Good Morning." He greeted.


Dali-dali naman akong umalis sa kama at tumakbo sa cr. Baka mukha akong tanga! Nakakahiya!


Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at agad na naghilamos. May nakita ako na mouthwash kaya  ginamit ko na lang 'yon. Inayos ko din ang buhok ko na gulong-gulo. Ano ba 'yan, Sabrina! 


Tiningnan ko ang suot ko at iyon pa rin ang suot ko kahapon. Feeling ko tuloy sobrang dumi ko na. Lumabas na ako ng cr at hindi ko na nakita si Zeke kaya baka nasa labas siya. Base sa itsura ng kwarto ay sa kanya ito.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now