25

482 11 7
                                    

*

--

"Wow.."


Mangha akong nakatingin sa dagat na nasa harapan ko. Para akong nasa Maldives. Sobrang clear ng tubig at white sand! Grabe, parang paraiso!


Kakadating pa lang namin dito at hindi na ako makapaghintay na lumangoy. Paniguradong sobrang marerelax kami dito. Tamang-tama sobrang busy namin sa life these past few days. Kaya salamat kay Zeke.


Tumingin ako kay Zeke na nasa likod ko at nakitang nakatingin din siya sa dagat. Naka shades siya at naka sando at board shorts. Nalagay ang dalawang kamay niya sa likod niya habang pinagmamasdan ang resort. Pagdating namin kasi dito ay nagpalit kami agad. 


Ako naman ay nakasuot ng yellow dress at tulad niya, naka shades din ako. Hindi pa daw kasi mags-swimming dahil kakain pa kami. Sakto rin naman at gutom na ako. 


"Ano, Zeke. Kakain ba tayo o ano?" Nakapamewang na humarap ako sa kaniya. Halos 30 minutes na ata kami dito pero hindi pa rin siya tapos sa pagtingin sa dagat.


Sobrang gutom na ako!


He looked at me and chuckled. "Okay, let's eat. Mukhang sobrang gutom ka na." 


Umirap ako. "Kapal!" 


Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko para sabay kaming maglakad papunta sa restaurant. 


Puro inasal at ihaw ihaw ang inorder namin dahil mamaya daw ay seafoods ang kakainin namin. Malaki ang ngiti ko nang dumating na ang order namin. 


"Dahan-dahan, baka mabulunan." Zeke said and laughed.


"Kumain ka na nga lang! Daming sinasabi, e." Reklamo ko.


Tawa lang siya ng tawa pero hindi ko na lang siya pinansin. Masaya lang ako na kumakain dahil sobrang gutom na ako. Alam ko kasi na masarap at madami ang kakainin namin dito kaya hindi na ako masyadong kumain kanina. 


"Do you want to swim after this?" He asked.


I nodded. "Oo naman. Pero pahinga muna tayo." 


Tumango siya. "Okay."


Pagkatapos namin kumain ay nagpunta ulit kami sa may harap ng dagat at umupo doon.


"Bakit wala ka pang girlfriend?" I asked. 


I looked at him. Nakatingin siya sa malayo at parang malalim ang iniisip. He suddenly sighed.


"Remember what I told you? That I'll make you fall in love with me?" He looked at me. " I don't care if you will not believe me but I really like you, Sabrina." 


Tumingin ako sa mga mata niya. I still see sadness in his eyes. I know that Zeke likes me, I just don't really don't know what to do with that. I mean, I know to myself that I don't like him enough. Ayaw ko naman na sabihin sa kaniya at magsinungaling na gusto ko siya, ayaw ko siyang paasahin. 

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now