20

456 11 1
                                    

"Hala! Namiss ko 'to!" 


Masayang tumakbo ako papunta sa lugawan na lagi naming pinupuntahan namin nung highschool pa lang. Agad kong naamoy ang lugaw na niluluto pa lang. Wala pang masyadong tao dahil kakabukas pa lang.


Sakto kaunti lang ang kinain ko kanina! Dito kasi kami madalas kumakain ni Axton non, lalo na kapag may problema o stress kami sa school.


"Unli lugaw po. Dalawang order." Sabi ko doon sa tindera. Doon kami umupo ni Axton sa may labas dahil mahangin at maganda ang view.


"Good to see you smiling." He said. "We haven't talked for a while, huh?"


I pursed my lips. "Busy kasi tayo pareho." Sabi ko.


"You're not waking me up anymore." Napatingin ako sa kaniya. 


Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Kinagat niya ang labi niya at umiwas ng tingin. I suddenly felt guilty.


"Sorry.." 


I wasn't avoiding him. Sinasanay ko lang ang sarili ko na hindi siya laging nakikita dahil alam ko sa sarili ko na lalo lang akong mahuhulog. Masakit pero kailangan kong gawin.


"I was just.." I bit my lip. "Busy.."


Mukhang hindi naman siya naniniwala pero tumango na lang siya. Hindi na ako nakapagsalita dahil dumating na 'yung order naman. 


Nilagyan ko muna iyon ng kaunting patis at calamansi bago sumubo. Napapikit ako sa sarap nito at napasayaw pa. Hindi ko na napansin na sunod-sunod na akong sumubo hanggang sa punasan ni Axton ang pisngi ko ng tissue.


"Ang kalat." He laughed. "Dahan-dahan lang. Wala naman aagaw sa'yo niyan."


Umirap ako at sinamaan siya ng tingin. "E sa namiss ko 'to, eh!"


"Sanaol."


Kumain ulit ako at medyo dinahan-dahan na ang pagsubo. Napatingin ako sa kaniya na tahimik lang na kumakain. 


"Musta na pala 'yung panliligaw mo?" Tanong ko para naman maisip niya na supportive ako. Kahit sa totoo lang ay ayaw kong manligaw siya sa iba. 


Pero ano namang magagawa ko? Bestfriend ako kaya dapat su-suportahan ko siya.


He suddenly smiled like he remembered something. "I think she likes me too." 


Halata naman.


"Dati ka naman gusto non, ah." Sabi ko at sumubo. "Kung hindi sila umalis ay paniguradong kasal na kayo." Pilit akong tumawa. 


Dati pa lang nung bata pa kami ay halata na na gusto nila ang isa't isa. Kita ko sa mga mata ni Jaydie ang lungkot nung araw na umalis sila dito sa pilipinas. Nakita ko rin kung paano naging malugkot si Axton dahil doon.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now