8

388 9 5
                                    

"Ano bang ginawa ko sayo?"


Kunot ang noo ko habang matalim ang titig kay Ate na aalis na sana ng kitchen. Hindi naman tama 'yung ginawa niya! Ang daming tao ang nagugutom tapos ganoon lang ang gagawin niya?!


"Ha?! Ano bang ginawa ko sayo? Sabihin mo sa'kin!" Nanatili siyang nakatalikod. 


Nangigilid ang luha ko habang sinasabi 'yon. Hindi ko alam kung bakit siya naging ganoon sa akin. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin alam ang dahilan. Nakakabaliw.


"Ano?!" Sigaw ko pa.


Dahan dahan siyang humarap sa akin nang walang emosyon ang mukha. 


"It's for you to find out." Lumapit siya sa akin at ngumisi. "Basta eto ang tandaan mo, hinding hindi 'kami' magpapasira sayo." Bulong niya at nakangising umalis.


Naiwan akong nakatulala. Hinahanap ang mga sagot sa sinabi niya. 


Ano bang ginawa ko?


Ano bang kasalanan ko at ganoon kalaki ang galit niya sa akin. 


Gulong-gulo ang isip ko nang umakyat ako sa kwarto. I need someone right now. I don't know what to do..


Naiiyak na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Axton. Naka ilang ring na pero hindi pa rin siya sumasagot. 


"Please pick up, Axton.." Bulong ko habang sinusubukan siyang tawagan.


Umiiyak na binaba ko ang cellphone ko nang hindi pa rin siya sumagot. 


Ano bang ginagawa niya?


Nabuhayan ako ng loob ng biglang tumunog ang cellphone ko.


From: Lio Lio

I'm sorry, Sab. I have an important meeting right now.


That night, I cried myself to sleep.

- -- -

"Ang kapal talaga nung Shaira na 'yon, ano?!"


Napailing ako nang marinig ang reaksyon ni Ari nang sabihin ko sa kanya ang nangyari sa amin kagabi ni Ate. Hindi na kasi bago sa akin 'yung reaksyon ni Ari na ganyan.


Umupo siya sa high chair na nasa harap ko at nangalumbaba. Nasa condo ko siya ngayon dahil kailangan ko ng kausap, dinner dinner lang. Wala nananaman kasi si Axton. Ewan ko ba kung nasaan 'yun.


"Pero bes, wala ka naman ginawa sa kanya 'di ba?" Tanong niya.


Umiling ako. "Wala. Bigla na lang niya akong hindi kinausap."


"Sab! Where did you go?! Anong ginawa mo doon?"

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now