34

623 11 14
                                    

Song: Always Be My Baby by David Cook

--

"Kamusta na si Jaydie?"


I looked at Axton. He sighed and played the sand with her foot.


"Weeks after she got out of the hospital, her nose bled again. She's still in the hospital. Lumala ang sakit niya." Parang hirap na sabi niya. 


"Can I visit her tomorrow?" I asked.


He smiled. "Of course, she'll be happy to see you." 


Malaki din ang naging parte ni Jaydie sa buhay ni Axton, alam ko iyon. Ni hindi nga nag girlfriend si Axton dahil hinihintay na niya si Jaydie. Sa ilang taon na nagkahiwalay sila, laging si Jaydie and bukambibig niya kapag may nagtatanong kung may girlfriend na siya. 


"I'm sorry, Sabrina." He whispered. "Nasaktan kita. I should have been there for you when you need me. I'm sorry."


I chuckled. "Okay na 'yon. At least okay na tayo 'di ba?" 


He smiled. "Dumating na ang daddy ni Jaydie dito sa Pilipinas kaya may magbabantay na sa kaniya. Finally, I can spend time with you." He reached for my hand. "Again." 


I smiled. "Masaya ako na ayos na tayo." 


He pinched my cheeks. "I love you." 


Namula ako pero pinigilan kong ngumiti. "As a friend?" 


Siya naman ang tumayo mula sa swing at umupo sa tapat ko. Napakapit tuloy ako sa may swing, ang lapit kasi niya. Noon ko lang naalala na hinalikan nga pala niya ako. Mas lalo tuloy akong namula.


"Paano kung sabihin kong.." He smirked. "Mahal kita pero hindi dahil kaibigan kita." 


Tumaas ang kilay ko. 'Wag ka masyadong kiligin, Sabrina!


"Paano kung mahal kita kasi.." Mas lumapit siya sa akin. "Gusto kong mapasakin ka." 


Umiwas ako ng tingin at kinagat pa ang dila para mapagilan ang pag ngiti ko. Nakakainis naman 'to!


Bakit ba kasi tagalog siyang bumanat? Mas nakakakilig tuloy! Ang cute niya!


"Ha, Sabrina? Paano kung gano'n?" Sinilip niya ang mukha ko pero umiwas ako. 


Ayaw kong makita niya na sobrang pula ng mukha ko! Paniguradong matatalo ko ang hinog na kamatis sa sobrang pula ng mukha ko.


"Sabrina.." tawag niya pa. 


Sobrang diin na ng pagkaka-kagat ko sa dila ko kaya nang hindi ko na makayanan ay tumayo na ako mula sa swing at naglakad papalayo. 

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now