7

407 11 0
                                    

From: Sir Zeke

I'm here already.


Kinagat ko ang labi ko at kinakabahang tinanaw si Sir na nasa loob na ng kakainan namin. Kanina pa ako nandito sa loob ng kotse ko pero hindi pa ako pumapasok. Kinakabahan kasi ako, okay?!


Huminga muna ako ng malalim bago tiningnan ulit ang sarili sa salamin ng kotse. Simple lang naman ang suot ko, white printed shirt saka maong shorts. Tinali ko na lang ang buhok ko at nagliptint para mukha akong presentable.


"Kaya mo 'to, Sab." Pagpapalakas loob ko sa sarili ko.


Bumaba ako ng kotse ko at naglakad na papasok sa resturant. Medyo nagulat pa nga ako sa lugar na pinili niya kasi simple lang. Akala ko sa mamahalin kami kakain.


"Sir.." 


Napa-angat ang tingin niya sa akin  at ngumiti. Umupo naman ako sa tapat niya at alanganing tumingin sakanya.


"Akala ko hindi mo ako sisiputin," he chuckled. 


Namula naman ako. Ang simple lang ng suot niya pero ang lakas na ng dating. Grabe!


"Sorry po. Na-late po kasi ako ng gising,"  I nervously smiled.


He smiled. "It's okay. Order na tayo?"


I nodded. Tumawag na siya ng waiter at inabot naman sa amin ang menu. More on tapsilog ang tinda dito. Nakakatuwa nga kasi hindi ko akalain na kumakain si Sir ng mga ganito.


"Kumakain po pala kayo ng ganito?" Tanong ko pagkatapos kong sabihin ang order ko.


Tumingin siya sa akin at pinatong ang siko ng sa lamesa. "Yeah. Ayaw ko naman ng mga mamahaling pagkain na konti lang naman ang servings." 


I laughed. May pagka joker din pala tong si Sir. Totoo din naman kasi, 'no! Ang mamahal tapos isang kutsarang pagkain lang ang makakain mo.


"Ikaw ba? Is it okay na dito lang tayo kakain?" 


I immediately nodded. "Oo naman, Sir. Simple lang din ang gusto ko." 


He smiled. "Glad to hear that."


Dumating na ang order namin at unti-unti akong nagiging komportable sakanya. Para din siyang si Axton. Iba ang ugali sa company at sa labas.


"Hindi naman po ako ganon kalutang 'non!" 


Pinaguusapan kasi namin 'yung time na pumasok ako ng may hangover. Birthday naman kasi ni Axton 'non! Inasar pa niya ako na napaka lutang ko daw 'non, eh hindi naman!


"It's like I did all of your work for that day. I felt like I was the secretary," he laughed.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now