5

453 13 0
                                    

"Huy, Ari! Tigilan mo nga 'yang make up ko!"


Reklamo ko sakanya dahil kanina pa niya kinakalkal ang make up bag ko. Hindi naman ganoon kadami ang make up ko dahil ayaw ko naman ng mga ganyan. Ang bigat sa mukha. Kaya nga lang para mag-mukhang presentable, naglalagay rin ako ng kaunti.


"Girl! Expired na ata  'yung mga 'to! Look! Parang nagtae na 'yung isa mong lipstick!" Tumawa siya. 


Umirap ako. "Kapal mo! Panget lang 'yung brand kaya ganyan!"  Napilit lang kasi ako bumili 'non dahil favorite na artista ko ang nag- endorse. Hindi ko alam na panget pala ang quality. Ang ganda kasi sa picture!


"Shopping kaya tayo, girl?!" Excited na sabi niya. 


Agad akong umiling." Wala akong pera! Ikaw na lang!" 


Porket madami siya client, todo gastos na!


Siya naman ang umirap. "Minsan lang naman, eh! Saka nung umuwi ako never pa tayo nakapag- mall!" She pouted.


Oo nga naman. Parehas kasi kaming busy talaga at tuwing weekends naman kami lang ni Axton ang magkasama.


I sighed. Mukhang mapapagastos ako. "Fine."


Tangahali na nang makarating kami sa mall kaya kumain muna kami sa isang resturant. Dumaan pa kasi kami sa condo ni Ari, tapos ang tagal pa mag-ayos!


"Hoy, kamusta na kayo ng boss mo?" Tanong niya habang hinihintay ang order namin.


Kumunot ang noo ko. "Anong kamusta?"


She smiled. "'Yung lunch? Hindi na nasundan?" Asar niya.


I sighed. "No. Baka trip niya lang na manglibre nung araw na 'yun." I shrugged.


It's not a big deal for me naman. 


"Sus! Feeling ko may gusto sayo, eh!"


I rolled my eyes. "Hindi 'yon! Malayo ako sa gusto 'non."


"Grabe ka naman! Malay mo--"


"Hanson!" Tinaas ko ang kamay  ko nang makita si Hanson kasama ang fiance niya na si Althea Buenavista. Nagawi din doon ang tingin ni Ari.


Napatingin naman sila sa amin at naglakad papalapit. 


"Sabrina! Tagal na kitang hindi nakikita, ah," he said. 


"Hi, Althea," bati ko.


Ngumiti lang siya ng plastic at iniwas ang tingin. Parang tanga.


No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now