11

394 11 0
                                    

Warning: Words

---

"Really?!" 


Kinakabahang tumingin ako kay Zeke at alanganing ngumiti. Pinanlakihan ko naman siya ng mata para sabihing makisakay na lang. Kitang-kita naman kasi sa mukha niya ang pagtataka. Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung bakit ko sinabi 'yon.


Sa lahat talaga, Sab?! 'Yun pa?!


Tumingin ako kay Axton na ngayon ay nakatitig sa akin ng walang emosyon. Galit siya kapag ganyan, kaya mas lalo akong kinabahan. 


"Talaga?! Wow!" Napatingin ako kay Jaydie na malaki ang ngiti sa labi. Hindi naman talaga kami ganoon ka-close. Nung bata lang, kapag inaasar ko si Axton sa kanya.


Nagawi naman ang tingin ko sa kamay ni Axton na nasa bewang ni Jaydie. Muntik na ako mapairap.


Sila na nga.. Halata naman..


"Kuya! Nandito ka na pala!" 


Sabay-sabay kaming napatingin kay Hanson na nakangiting umakbay kay Axton.  


"Happy birthday, bro.." Bati ni Axton. 


"Welcome, bro.. ay thank you pala." Tumawa si Hanson at nagawi ang tingin kay Jaydie. "Sino siya? Girlfriend mo?" Tanong ni Hanson at tumingin sa akin.


I raised a brow. 


"Oh! Nandiyan na pala ang kuya mo! Let's eat na!" Hindi na nakasagot si Axton dahil tinawag na kami na kami ni Tita.


Napatingin ako kay Axton at bumuntong-hininga. Alam kong magtataka ngayon sila Tita dahil hindi kami nag-uusap pero bahala na. 


Naunang pumunta sila Axton sa may lamesa kaya naiwan kami ni Zeke dito sa may sala. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Ang sakit sa dibdib. 


"I think  you like holding my hand.." I looked at Zeke. He smirked and caressed my hand with his thumb. Agad ko naman siyang nabitawan.


Nakahawak pa pala ako sa kanya! Nakakahiya naman! 


I heard him chuckled.


Dahil alam kong namumula na ako ay iniwan ko siya doon at naunang naglakad. Nakaupo na silang lahat sa dining table pagkadating ko. Katabi ni Hanson ang fiancé niya, si Axton at Jaydie naman ay magkatabi. Nandoon din si Tita at Tito na nagtatakang nakatingin kay Jaydie at Axton. Nagtataka siguro dahil hindi ako ang kasama ni Axton.   


May dalawang bakanteng upuan pa sa tabi nila Hanson at ganoon din kila Axton pero mas pinili ko na lang na tumabi kila Hanson. Naramdaman ko namang umupo si Zeke sa tabi ko. Ngayon ko lang na-realize. Kaano-ano ba ni Zeke si Hanson?


"Oh! Nandito ka pala Zeke! Kamusta ang Mommy mo?" Tita asked Zeke kaya mas nagtaka ako.


No Heart Without You (Fernandez Series #2)Where stories live. Discover now