23

445 11 14
                                    

Song: Thick and Thin by Lany

;)

--

"A-Axton.."


Nanginginig na tumayo ako at lumuluhang hinarap si Axton. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, masakit. Patuloy ang pagtulo ng luha ko na para bang wala iyong katapusan. Nanginginig ang mga kamay ko kaya kinuyom ko iyon.


"Axton-" Pinutol niya ang sasabihin ni Ari.


"Get out, Ariane." He commanded. Hindi sumunod si Ari at tumingin sa akin ng may pag-aalala. "Labas, Ariane."


Mahina kong tinapik ang kamay ni Ari nasa braso ko para sabihing okay lang ako. "Kaya ko na 'to." Bulong ko.


Tumingin siya kay Axton bago binalik ang tingin niya sa akin. Nag-aalangan ang kilos niya pero tumalikod din siya at lumabas condo ko. 


Dahan-dahan akong yumuko at paulit-ulit na lumunok. Sobrang sakit na ng lalamunan ko. 


"Ano 'yung narinig ko, Sabrina?"


Ilang beses akong huminga ng malalim bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Magkasalubong ang kilay niya at namumula tanda na galit siya. Nakakuyom ang mga kamao niya at mariin ang tingin sa akin.


"G-Gusto k-kita.." My voice broke. 


He sighed na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Hindi ko naman siya masisisi, sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakagusto ako sa kaniya?


"Sabrina.." He sighed. "Stop joking around." He chuckled.


"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" Mas lalong tumulo ang luha ko at unti-unting umakyat ang galit sa katawan ko. 


"You can't like me." He said with a stern voice.


"Anong magagawa ko? Gusto kita!"


"May girlfriend ako, Sabrina! At higit sa lahat bestfriend kita!" He shouted.


"Sa tingin mo hindi ko alam 'yon?! Alam na alam ko, Axton! May girlfriend ka at oo! Kaibigan mo ako!" I shouted back."Bakit? Porket ba kaibigan mo ako at kaibigan kita, bawal na ako magkagusto sa'yo?" 


Kumunot ang noo niya lalo at ginulo ang buhok niya. "Mali, Sabrina. Mali." 


Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Alam ko. Alam kong mali ang nararamdaman ko. Alam kong mali ko ang posibilidad na mawala ang friendship namin ni Axton dahil sa nararamdaman kong 'to.


"Alam ko.."


"Bakit mo ako nagustuhan? Kelan? Bakit ako?!" He asked. 


"Hindi ko alam! Sa tingin mo ba gusto ko 'tong nararamdaman ko  para sa'yo?! Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kailangan ikaw pa! Pero anong magagawa ko? Ikaw 'yung tinitibok ng puso ko!"

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon