"Nasabi nga ni Gavin na may pinuntahan kayong malayo, saan nga iyon 'nak?" Tanong ni nanay Ida habang tinutulungan kami sa pag-aayos.





"Tagaytay ho." Sagot ko.





"Kayo lang dalawa ang pumunta?" Malisyosong tanong niya kaya bumagal ang pagtutupi ko ng damit.




Nandito kami ngayon ni nanay sa kuwarto ko habang si Luke ay nagpunta sa Rockwell para isauli iyong BMW ni Gavin. Wala naman siyang gaanong gamit dito kaya hindi  niya kailangang magmadali sa pag-uwi. Gitara at iilang paper bags lang ang gamit niya na inayos na ni nanay Ida kanina.




"Opo." Sagot ko ulit.




"Kamusta? Anong ginawa niyo roon?"




Nilingon ko si nanay ng may nag-aakusang tingin. "Namasyal lang kami, 'nay. Tsaka may kaibigan ho siya doon, kasama namin. Marami kami." Pagsisinungaling ko.




Sorry 'nay, hindi pa 'ko handang tanggapin ang judgement mo. Na halos ayoko siyang patuluyin dito noong una pero pag-uwi namin ay may hickey niya na 'ko. Shit, ano ba 'yan. Mariin akong umiling at nabigla sa naisip ko.




"Mag-iingat ka rito 'nay, kapag may kailangan ka ay ipasabi mo lang sa mommy ni Gavin at makakarating iyon agad sa amin." Bilin ko dahil ayaw niyang gumamit ng cellphone.




Nakukulitan lamang siyang tumango at marahan kaming itinulak palabas. "Sige na, sige na, mahuhuli pa kayo sa flight ninyo."




"Una na po kami." Paalam ni Luke at nagmano kay nanay bago kinuha ang maleta ko. Nakasabit naman sa kanang balikat niya ang guitar case.




"Bye, 'nay."




"Mag-iingat kayo, 'wag mong pasasakitin ang ulo ng pamilya mong bata ka."




Napangiwi ako at lihim na ngumiti bago tumango at naglakad paalis. Magcocommute lang kami papunta sa airport at doon na sasakay.




"What are you doing?" Tanong ko kay Luke nang mapansing inilabas niya ang notepad at ballpen niya. Kalahating oras na kaming nakaupo rito sa first class seat at nakaubos na rin ako ng isang kape pero inaantok pa rin ako. Napagod yata ako sa biyahe namin kanina.




"I don't have anything to do so I'll just finish my composition. You can rest." Sagot niya bago tinapik ang balikat niya at inilahad sa akin.




Kumunot naman ang noo ko at isinandal ang ulo ko sa malambot na head rest ng upoan ko. Napaka corny niya talaga, di hamak naman na mas komportableng sumandal sa upoan kaisa sa balikat niyang ubod ng tigas.




Nang makita niya iyon ay ngumisi siya at marahang umiling. Sinulyapan ko lang ang dimple niya sa kanang pisngi bago ngumiti at pumikit.












"Bakit magkasama na naman kayo?" Iyon ang bungad sa amin ni Sage nang makapasok kami sa mansiyon.




Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng tuwa nang makita siya. Kunot ang noo pero hindi naman seryoso ang mga mata. Parang pinipilit niya lang magalit kaya hindi ko maiwasang mapangiti. I miss him.




Hindi na ako nag aksaya ng segundo, binitawan ko ang mga paper bags na dala ko at tumakbo patungo sa kaniya. Kaagad ko siyang niyakap ng walang pasabi. Mahigpit at konti nalang ay hindi na siya makakahinga. Wala akong makialam, na-miss ko siya.




"H-hoy, siraulo!" Naglikot siya pero hindi iyon malakas kaya hindi rin siya nakawala sa akin. Kalaunan ay naramdaman ko na ang pagyakap rin niya sa akin at bahagyang pagtawa. "Anong nakain mo, ha?" Malumanay niyang tanong.





La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now