Chapter 10 - Lunch Date

Start from the beginning
                                    

__________________________

Kasalukuyan akong nagmamaneho pabalik ng opisina ko ng mahagip ng mata ko si Patricia na kakalabas lang sa isang banko. Ibig bang sabihin nito, hindi si Kaz ang dahilan kung bakit wala siya sa privilege lunch kanina? Hindi ko alam pero mas lalo akong naging masinop nang mapansin na hindi siya sumakay ng taxi at sa halip ay naglakad na lang.

Dahil sa traffic, nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang kilos niya. Bagsak balikat at nakayuko siyang naglakad sa gilid ng kalsada. Hindi ito ang Patriciang kilala ko dati kaya mas lalo akong na-curious sa galaw niya. Umusad na ang traffic kaya naisipan kong paandarin ang sasakyan pero ipinark ko ito sa gilid kung saan pwedi kong pagmasdan si Patricia sa side mirror.

Patuloy siya sa paglakad at nang madaanan niya ang isang hotdog stand ay huminto ito at binuksan ang bag. Nagutom siguro kaya naisipang bumili ng hotdog pero nakita kong kumunot ang noo nito at napabuntong hininga. Isinarado niya ang bag at hindi na bumili ng hotdog.

Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Nagkibit balikat akong nagpatuloy sa pagdrive papuntang opisina nang hindi ko namalayang napa- U-turn ako at ipinark ang sasakyan sa tapat ng Blue Plate. Ilang sandali akong nanatili doon hanggang makita kong pumasok na si Patricia sa Blue Plate. Hindi ko alam kung bakit tinahak ng mga paa ko na para bang may sarili itong utak para tumungo sa kitchen kung saan ko matatagpuan si Patricia.

"Bakit hindi ka dumating sa lunch kanina?" narinig ko ang sarili kong nagtatanong.

Nakita ko siyang yumuko saka sinabing, "I am sorry. M-may kailangan kasi akong puntahan kanina."

Wait –  Iniwasan ba niyang tignan ako sa mukha?

"Since you were not there during lunch, I guess I'll have to take you for dinner instead," nagulat ako sa sinabi ko. Kailan pa nagkaroon ng sariling utak ang mga labi ko?

"I-I'm sorry, Sir," nakayuko pa rin niyang sabi, "m-may lakad na kasi ako mamaya eh."

Nagulantang ako sa sagot niya. Tama ba ang narinig ko? Ako na si Stuart Cordoval ay tinanggihan ni Patricia Sandoval, ang dati kong stalker na ex-wife ko?

*Patricia's POV*

Bagsak ang balikat kong pumirma ng promisory note sa bankong pinagkakautangan ko. Kulang kasi ang pambayad ko ngayon kaya naisipan kong puntahan ang management para humingi ng kaunting palugit. Ang totoo, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para pambayad sa banko. Kulang na talaga kasi ang kita ko ngayon. Mukhang kailangan ko na talagang tanggapin ang alok ni Delailah sa akin. Si Delailah nga pala ang manager ng Gracieux Performing Company. Maliban kasi sa regular shows ng performing company ay tumatanggap ito ng underground bookings kung saan ay pinaunlakan namin ang mga principal sponsors ng private show.

Kahit kailan ay hindi ako nagpa-book ng private shows dahil may isang principal sponsor na nagmagandang loob na bayaran ako kahit walang private show na nagaganap. Pero natigil ito noong isang buwan. Ang balita ko ay nagkasakit daw ito kaya tumigil na rin sa pagpupunta sa mga shows namin.

Itinext ko si Delailah bago ako lumabas ng banko. Ayoko kasing magtext sa daan kasi madalas ang snatching. Ininda ko ang pagod at nagsimula nang tahakin ang daan pabalik sa Blue Plate pero nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko ang hotdog kaya naisipan kong bumili. Binuksan ko ang bag ko at tinignan kung kasya ba ang pera ngunit nakita kong fifty pesos na lang pala ang natira. Hindi na lang siguro ako manananghalian ngayon.

Agad akong tumungo sa locker room para magpalit nang marating ko ang Blue Plate. Nabasa ko rin ang text ni Delailah na na-ibook na niya ako sa isang principal sponsor ngayong gabi. Wala na itong atrasan. Sana kasing bait ito sa nauna kong sponsor.

Sisimulan ko na sana ang paggawa ng Rocky Road nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Bakit hindi ka dumating sa lunch kanina?"

Agad ko siyang hinarap pero nakayukong sinagot na, "I am sorry. M-may kailangan kasi akong puntahan kanina."

Akala ko aalis na siya pero nagulat ako sa sinabi niya, "Since you were not there during lunch, I guess I'll have to take you for dinner instead."

Gusto ko sanang tumango pero hindi pwede. Kailangan ko ng pera ngayon at natanggap ko na ang alok ni Delailah na sumabak sa private show. May isang tao raw na matagal na akong gustong i-book kaya ngayon na pumapayag na ako ay agad itong nagpa-book ng private show ngayong gabi.

"I-I'm sorry, Sir. M-may lakad na kasi ako mamaya eh," nauutal kong sabi.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ko kasi hindi ko tinignan ang mukha niya pero naramdaman kong tumalikod siya saka lumabas ng kitchen.

_________________

AN: Kumusta na kayo? May isang update pang susunod nito... hintayin niyo lang sandal.

Oo nga pala, ano ang ibig sabihin ng NOSE KISS?

The Nose Kiss means that you're the object of committed affection. A kiss on the nose is extremely sweet and can be a key trigger in sparking instant romance or fanning the flames of love.

.... kayo na po bahalang mag-isip kung bakit sa ilong hinalikan ni Kaz si Pat. Hahaha (may recording si Kaz kaya hindi siya nakapag-eksena sa chapter na 'to)

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now