"Dadaan muna tayo ng gyiera bago ako makipag-kaibigan sa mga ugok na yun." Maangas na saad ni Zeke habang sinusuntok ng kamao niya ang isang palad niya.

Sabay naman kaming napa-lingon kay Stevenese na naka-pikit na naman habang naka-sandal ang ulo niya sa dalawang kamay niya.

"Baka may balak kang sumagot diyan Stevenese?" Sarkastikong tugon ni Denaery at dumilat naman siya at mukhang walang narinig.

"Ah? H-hahaha kung ano sa inyo, yun na din ako. Mahal ko kayo eh."

"Eh?" Usal ni Zeke at bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya. Ano konek nun sa topic namin? Gawd Stevenese!

"Wala! Tulog ka nalang ulit! Walang kwenta to kausap." Sabi ni Zeke at sumunod naman ang gaga at pumikit ulit. Kailan ba kasi matutong sumagot ng maayos yan?!

"Tch!" Singhal ko at sakto namang dumating ang order namin kaya kumain na rin kami.

Excuse kami sa klase namin ngayon dahil sa paparating na concert namin kaya malaya kaming gawin ang gusto namin ngayon.

~*~

Nang mag-hapon na ay pumunta na kami sa stadium dahil doon kami mag-eensayo muna kasi mas malakas ang speaker doon at mas malaki ang space. Mas feel rin kasi naming sumayaw dito kasi ini-isipi lang namin na may nanonood sa amin.

Nang medyo naka-lapit na kami sa stadium ay may naririnig kaming music mula sa loob.

May kalakihan ang stadium namin at glass ang nasa ibabaw nito kaya makikita mo kung bukas ba ang ilaw o kung hindi. Bilog ang style ng stadium namin at may nakalagay sa ibabaw nito na M.A na kulay gold pa rin.

"May tao pa ba sa stadium sa oras na to?" Tanong ni Denaery at napa-tingin kami sa kanya.

"Ewan ko? Tapos naman ang klase natin. Tara tingnan natin" Nauna ng lumakad si Zeke, hinayaan muna namin siyang lumakad doon at nagka-tinginan kaming tatlo.

"Sino kaya yun?" Untag ni Denaery at tumango naman ako.

"Ewan ko, mukhang pang-sayaw pa nga yung tugtog." Sagot ko naman at nakita ko naman na nagkibit-balikat lamang si Stevenese. Ano pa nga ba inaasahan namin diyan sa kanya?

"Tara." Sa gitna ng pagtitinginan namin ni Denaery ay iyan lamang ang tanging nai-usal ni Stevenese at sumunod na kay Zeke.

Sabay pa kaming napa-buntong hininga ni Denaery at napa-iling.

"Kahit kelan talaga oh." Utas ni Denaery at tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

"As always, walang paki-alam yun sa mundo niya." Dagdag ko pa at nag-tawanan kaming dalawa.

Sumunod na rin kami sa kanila at mukhang nasa loob na sila at teka.. Sino yung sumisigaw? Nagka-tinginan kami ni Denaery at agad tumakbo sa loob.

Parang nag-sasagutan yata at mukhang ang boses na umalingawngaw sa buong stadium ay walang iba kundi kay--

"Zeke!" Sabay naming sigaw ni Denaery ng nakitang inambahan ng suntok ni Zeke si Kei at napa-atras naman si Kei.

"Just shut up and dance!" Sigaw ni Zeke at inkut-ikutan si Kei na parang nanghahamon.

Taka ko naman nilingon si Stevenese na mukhang enjoy na enjoy pa sa pinapanood niya habang ang mga kasamahan naman ni Kei ay tiningnan lang  din sila na nag-aaway sa gitna ng stadium.

'What's going on here?!'

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit kinindatan niya lang ako. Hmp! This girl! Hindi man lang niya ako tiningnan at naka-tingin lang siya sa kung saang direksyon, sinundan ko ito ng tingin at kay Zeke pala siya naka-tingin na nag-sisimula ng sumayaw.

Skip a DanceWhere stories live. Discover now