What Happened Then (Flashback) 7: Meeting Half Way

Magsimula sa umpisa
                                    

"Stuart, bantayan mo ang asawa mo kasi halos lumuwa na ang mga mata ng mga empleyado dito nang dumating siya," natatawang saad naman ni daddy.

Tinitigan ko ng masama si Patricia. Ayokong sagutin si daddy dahil alam kong aasarin niya lang ako dahil matagal na kasi niyang tinatanong kung nakabuo na ba kami ni Patricia. Paano naman kami makakabuo kung hindi pa kami nag-all-the-way. Isa pa, ayokong magkaanak sa kanya. Ayokong ikulong siya sa responsibilidad na kaugnay sa akin.

"Ano 'tong suot mo?" hinigit ko siya palabas ng opisina ko matapos akong magpaalam kay daddy.

"Damit. Bakit? Anong problema?" walang malisya niyang tanong.

"F*ck, Patricia! Opisina tong pinupuntahan mo hindi bar," mariin pero mahina kong saad.

"T-teka, Stuart! Dahan-dahan ka naman sa paglakad. Saan mo ba ako dadalhin?" pagpupumiglas niya. Akma namang bumukas ang elevator kaya agad ko siyang napasok dito.

"I-uuwi kita!" patapon ko siyang pinasok sa elevator.

Bumaba ng ilang baitang ang elevator at nang bumukas ito ay maraming tao ang sumakay. Umatras kami ni Patricia at dahil pinagtitinginan siya ng mga lalaking kakapasok lang, ipinuwesto ko siya sa gilid at iniharang ang sarili ko sa kanya.

WRONG MOVE!

Nakatalikod siya sa akin at ako naman ay nakaharap sa likod niya. Akala ko safe ako sa posisyong iyun. Hindi pala. Nasa ganito kaming posisyon nang may karagdagang  tao  na pumasok sa elevator. Dahil sa sikip  at sa kilos ng mga tao sa loob ng elevator ay hindi ko sinasadyang mapasampa sa likod niya ang katawan ko. Ito na marahil ang pinakamatagal na pagbaba ng elevator.  Naaamoy ko ang perfume niya habang naglalaway naman ako sa makinis niyang balikat. Pinilit kong umiwas ng tingin ngunit huli na ata ang lahat dahil alam kong naramdaman niya ang pagkagising ng aking alaga.

Agad ko siyang hinila papunta ng kotse ko nang makarating na kami sa basement. Hindi na rin ako nagsalita kasi ayokong mapansin niya ang hindi pantay kong paghinga.

Laking pasalamat ko nang marating namin ang condo pero hindi pa pala siya tapos. Yumakap siya sa akin at pilit akong hinalikan.

"Patricia, ano ba!" itinulak ko siya palayo sa akin.

"Ano ba Stuart? Pitong buwan mo na akong asawa pero ni minsan hindi mo ako hinalikan o kahit tapunan lang ng tingin. Nangdidiri ka ba sa akin?" pagsusumamo niya, "Wala akong sakit saka virgin pa ako!"

"It is not that, Patricia!" napasabunot ako sa buhok ko.

"Sinabi ko na sa iyo, di ba? Mahirap bang intindihin na ayaw kitang galawin hanggat hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa'yo!" galit na saad ko.

"Pero paano mo ako mamahalin kung hindi mo naman sinusubukan?" tumaas na rin ang boses niya.

*Patricia's POV*

Nahihiya ako na naiinis sa sarili ko dahil ginawa ko na halos ang lahat mapansin lang niya ako. Ano ba ang problema niya sa akin? Bakit ba mailap siya sa akin? Gaano ba kaganda o kaseksi yung babaeng mahal niya at bakit kahit anong gawin ko ay hindi ko mapantayan man lang?

"Okay," itinaas ko ang mga kamay ko sa inis, "kung ayaw mong may mangyari sa atin, kahit man lang ipakita mong sinubukan mo akong kilalanin at mahalin. Kahit yun na lang ang gawin mo para naman kahit papaano maramdaman kong naging asawa mo ako kahit sa isang taon lang!"

Hindi ko alam kung saan galing yung sinabi ko. Ayokong tanggapin sa sarili ko na talo na ako pero ayoko rin namang masayang ang isang taon na kahit kasinungalingan ay at least naramdaman ko na naging asawa niya ako.

"Fine! But no attempts of seduction," ma-awtoridad niyang sabi.

"No seductions but you should eat your breakfast and dinner with me every day!" bargain ko sa condisyon niya.

"For as long as you wear decent clothings and no lingerie while we are having meals," dagdag niya sa condisyon niya.

"For as long as you go out on a date with me at least once a week!" nagsusukatan na kami.

"I will but there will be no intimate touches between us!" humarap siya sa akin.

"Walang problema. If you cannot treat me as a wife then at least treat me like a friend," yun na lang ang idinagdag ko.

Alam kong malabo pero siguro naman kahit sa ganitong paraan, makakakita siya ng dahilan upang matutunan akong mahalin.

____________________

AN: Pasensya na po. Alam kong marami sa inyo ang gusto nang ibalik sa present ang kwentong to pero may kailangan pa kasi kayong malaman sa nakaraan kaya baka may tatlo pang "What Happened Then" chapters bago tayo bumalik sa present.  Sana hindi kayo na-bored.

By the way, I am considering of adding a 3rd party... sino gusto niyong maging lalaking third party nina Patricia at Stuart?

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon