What Happened Then (Flashback) 7: Meeting Half Way

456K 7K 223
                                    

*Stuart's POV*

Akala ko madali ko lang malagpasan ang isang taon na kasama si Patricia pero habang tumatagal ay mas lalong nagiging agresibo ito sa pang-seseduce sa akin. Hindi ko na nga alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Tulad noong isang linggo, wala akong trabaho dahil weekend kaya naisipan kong manood ng basketball sa TV. Yun din pala ang araw na magpapalit siya ng kurtina sa condo.

Nakatutok lang ako sa TV pero hindi ko maiwasang sulyapan si Patricia. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa asawa kung ang suot nito ay isang mapanuksong black sleeveless at white shorts? 

"Stuart, paki-abot nga ng clip" tawag niya sa akin habang inaayos ang kurtina.

Hotel and Restaurant Management kasi ang natapos ng asawa ko kaya hands-on siya sa pagliligpit ng condo namin. Hindi ko naman siya pweding balewalain kaya tumayo na ako at iniabot sa kanya ang clips.

"Sandali," sabi niya habang nag-aayos pa ng kurtina.

Pilit ko namang iniiwas ang paglakbay ng aking mga mata sa mapuputing niyang hita na nakatambad lang sa harap ko. Hindi ko rin maiwasang maamoy ang matamis niyang pabango kaya hindi ko sinasadyang napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.

"Matagal pa ba yan?" pilit kong itinago ang pagnanasa ko sa kanya.

"T-teka" may pilit siyang iniabot pero bigla lang siyang nawalan ng balanse kaya on-impulse, sinalo ko siya.

Hindi ko mapigilan ang mabilis na tibok ng aking puso nang maramdaman ko siya sa mga bisig ko. Napahawak din siya sa batok ko kaya nagtama ang mga mata namin. Alam kong nag-aapoy na ang titigan namin pero ayokong magpatalo sa nararamdaman kong ito.  Mahinahon ko siyang binaba at sinabing, "Huwag ka na ngang maarte sa kurtina. Ilagay mo na lang diyan at huwag mo nang lagyan ng OA na designs!"

Padabog akong umalis sa harapan niya at dumiretso sa banyo ng kwarto ko para – alam niyo na yun. Nakakainis! Yun lang ang nangyari pero ang sakit na ng puson ko. Inisip kong kunting tiis na lang. Limang buwan at matatapos na rin ang paghihirap ko.

___________________________________

Maaga naman akong nakarating sa opisina noong Lunes dahil sa ginawa niya noong nagbreakfast kami. As usual, she was wearing lingerie pero ang hindi ko inaasahan ay yung pagiging touchy na niya. Napapansin ko kasing sinasadya niyang yumuko sa harapan ko habang naglalagay ng pagkain sa hapagkainan. Dahil doon ay nagalit agad ang alaga ko. Sino ba naman ang hindi kung isang pares na malulusog na boobs ang nakabandera sa harap mo. Lalo akong napalunok nang lumapit siya para lagyan ang baso ko ng juice. Pinilit kong hindi magreact pero nang nilingon ko siya ay hindi ko sinasadyang masagi ng balikat ko ang boobs niya.

Naghuhuramentado ang kalamnan kong nagmamadaling umalis ng condo at pumunta ng opisina. Halos maaksidente na nga ako sa pagmamadali ko. Haist! Ang hirap magpigil lalong lalo na kung pitong buwan ka na ring hindi nakapag-ano.

Ang mukha ni Sandra sa isip ko ang pinanghugotan ko ng lakas para pigilan ang sarili ko sa pag-angkin kay Patricia. Ayokong maging kumplikado ang sitwasyon namin kapag maghiwalay na kami. She does not deserve me; I do not deserve her – kaya hanggat pwede, pipigilan ko ang sarili ko para hindi siya manliit sa sarili niya pagkatapos ng paghihiwalay namin.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang intercom.

"Sir? Andito po ang ama mo at ang asawa mo – daw," mejo alanganing sabi ng sekretarya ko. Hindi ko naman pinansin yun kaya bumilog ang mga mata ko nang pumasok na ang ama ko at ang sinasabing asawa ko – asawa ko ba 'to o isang seksi star na kakalabas lang sa isang billboard?

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon