Kung ano ano nang scenario ang naiiisip ko...

Lahat ng iyon ay hindi magaganda.

At sa wakas, bigla nalang akong nagkaroon ng lakas.

Kinuha ko ang baril sa kamay ni Lem, inikot ang braso nito tsaka pinatama ang katawan sa pader.

" Nasaan sila!?" Tumawa siya.

" Siguro patay na ngayon o di kaya ay nadadaganan ng bato at semento, bali bali ang buto. Hindi na sila mabubuhay pagkatapos non" yung lakas ko, sandali lang dahil bigla akong nakaramdam ng sakit at napaupo.

Bumuntong hininga si Lem at pinanuod akong dumaing sa sakit.

" Oh Nass." Lumuhod siya tsaka hinawakan ang baba ko para itingin sa kanya ang tingin ko.

" Hindi mo na sana iyon ginawa, tignan mo tuloy kalagayan mo ngayon" matapos niyang sabihin iyon ay sinampal ako nito.

---

Nag-iisa nalang ako ulit dito sa puting kwarto.

Imagine yung feeling na, sipa-sipain ka at dahil don nawala yung anak mo tapos yung makita mong mahulog yung pinakamahalagang tao sa buhay mo na posibleng patay na ngayon...

Parang sinaksak ako nang paulit ulit to the point na minanhid na ako sa sakit. Ganon. Ganon yung nararamdaman ko ngayon.

Yung guilt, yung lungkot, yung galit, nagsama sama yung result non, eto, pagkatulala, tipong naiisip ko nalang na panghabambuhay akong ganito.

Parang maganda yung feeling na buong buhay ko ganito lang ako...

Napabuntong hininga ako tsaka umiling.

Humawak ako sa tyan ko.

Pagkatapos pala akong sipa-sipain kanina, may pumasok na doktor nung wala akong malay at ginamot ako. Dun na din tinanggal yung fetus na galing sa sinapupunan ko.

I still can't believe na ginawa ni Lem ito...

Dahil lang sa hindi siya natanggap sa mataas na ranggong gusto niya?

Dahil hindi niya napakain ang pamilya niya dahil wala siyang trabaho at isinisi niya lahat ng iyon kila Keian!?

My fist clenched.

Bakit niya gagawin ang lahat ng ito dahil lang doon?

Hindi ko siya naiintindihan...

*thud*

Narinig kong may kumalabog sa may pinto nung kwarto kaya napatingin ako dito.

Huh?

Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang mukhang isang tauhan ni Lem.

Kaso lang bakit parang pamilyar siya.

" Nass!" Lumapit siya sa akin tsaka tinignan ang kalagayan ko.

Tsaka yung boses niya pamilyar.

" Oh my ghad Nass are you okay?!" Nagtataka ko siyang tinignan. Nakatakip kasi ang mukha nito.

Napansin niya ang pagtataka ko kaya tinanggal niya yung takip sa mukha niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

" Kuya?" Mahina kong sambit.

Napangiwi siya dahil siguro sa tunog ng boses ko.

" I'm sorry I'm unable to save you earlier Nass" kinuyom nito ang kamao.

" Kung nailigtas lang kita edi sana hindi..." Dumiretso ang bibig nito at tumingin sa mata ko.

Bumuntong hininga siya tsaka ako mahigpit na niyakap.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon