Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa kwarto na ako sa loob ng bahay.

Hindi ba't dito natulog si Nami? O panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi???

Nakita ko naman bigla yung damit ni Nami kahapon na nasa may lagayan ng marurumi. Sa kanya lang yung nakalagay doon.

Sa tingin ko ay ipinahiram ni Keian kay Nami ang damit ko.

Okay lang naman iyon.

Huminga ako nang malalim bago tumayo at pumasok sa banyo.

Pagkatapos magCR ay lumabas ako sa may sala.

Ako lang mag-isa ang nasa bahay...

Nasaan si Keian???

At Nami?

Pumunta ako sa labas ng bahay para sana hanapin si Keian.

Siya siguro ang bumuhat sa akin papunta sa kwarto.

I want to talk to him.

And I hope he is too.

" Maîtresse" halos mapatalon ako sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko.

Nilingon ko si Dominique na may nanlalaking mata.

" Dominique-- anjan ka pala" nakalimutan ko tuloy magfrench huhu.

Kumunot ang noo ni Dominique pero hindi na inalam kung ano yung ibig sabihin nung sinabi ko.

" Bonjour madame. Désolé ... de vous surprendre (Goodmorning ma'am. Sorry... for surprising you)" ngumiti ako dito.

" C'est bon et bonjour aussi. Au fait, savez-vous où est Keian?(It's okay and goodmorning too. By the way, do you know where Keian is?)"

" Oui maîtresse, il accompagne Miss Nami en ville. Elle a dit qu'elle voulait déjà partir pour ne plus vous déranger tous les deux(Yes mistress, he's accompanying Miss Nami in the town. She said she want to leave already so she won't disturb the two of you anymore.)" Napadila nalang ako sa labi at tumango.

Ngumiti bahagya sa akin si Dominique.

" There's food at the kitchen for your breakfast maîtresse" sabi sa akin ni Dominique na halatang hirap mag-english.

" Thank you" tinalikuran ko ito at binalak na bumalik na sa loob ng bahay kaso lang ay biglang tumunog yung cellphone ko.

Kinuha ko ito at nakitang may text sa akin si... Lem?

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan at nagtaka.

Kaagad kong binuksan ang message niya at may naka-attach dun na picture.

Picture ni Keian at Nami na... magkalapit ang labi.

Napabuka ako ng bibig.

How sweet...

Kumunot ang noo ko nang may sumunod na sinend si Lem. Video naman.

Halos nanginginig na ako nang iplay ko ito.

Nasa malayo sina Nami at Keian, nakatago yung nagv-video.

Magkayakap silang dalawa at nang maghiwalay ay nag-usap.

Normal lang naman sa magkaibigan ang magkayakap diba...?

Malayo sila para marinig yung sinasabi pero mukhang nagpapaalam nga si Nami kay Keian.

Maya maya ay hinalikan sa pisngi ni Keian si Nami.

Pero hinatak ni Nami si Keian at pinagtagpo ang labi nila.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon