"Hindi ija. Ang sabi niya lamang ay 'happy trip' habang umiinom ng tubig at saka umalis." Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagbagsak ng aking balikat. Sira-ulo talaga itong si Titus!

Mas lalo lamang natawa ang matanda sa reaksyon ko, humawak pa siya sa kaniyang tiyan . Tuluyan nang nabura ang madramang atmosphere sa pagitan namin, naramdaman ko nalamang ang pagkurba ng aking labi. Ang sarap talagang ngumiti kapag magaan ang paligid at sistema.

" After I saw my grandson, I imagined my wife yelling at me", ngumise ito.

" 'Ano iiwan mo ang anak mo at ang apo ko dahil sa wala ako ? Aba magaling Joselito, napakatinde talaga ng sapak mo sa ulo!' ", humalakhak siya pagkatapos , nahawa narin ako. Kung sana ay nabubuhay lamang ang Lola ni Juan, siguro ay napakaingay nang paligid.



Nauwi sa maraming pagke-kuwento si Lolo nalang tungkol sa kaniyang asawa . Kita ko kung gaano nagmamalaki ang boses niya. Ayon dito ay supladang babae raw iyon, may iba't ibang ugali ngunit napakarealistiko sa mga bagay bagay. Tapos raw iyong Magnacum Laude at isang tanyag na abogado. Tao na pinagmanahan ng lubos ni Juan.



"  Hindi siya nawala sa tabi ko Sheena " , lumamlam ang mata niya at marahang hinawakan ang kaniyang dibdib. "Narito ang asawa ko, umaabang ng bago sa aking buhay."

       Napalunok ako at sandaling natigilan sa kaniyang sinabi. Ayon nanaman ang kilabot at sandaling paghinto ng mundo ko. Tama, hindi nawala si Mama dahil nasa puso ko siya. Habang buhay.


Namuo ang luha sa mata ko, sinulyapan si Lolo na nakangiting hinahaplos ang isang postiso. Ngumiwe ako at marahang tumawa sa isip. Nagpaalam na akong aalis na matapos na pumasok ang nurse nito. Niyakap niya ako habang ako ay lubos namang nagpasalamat, pinagmasdan niya akong maglakad papalayo.

Gumaan ang pakiramdam ko at masasabi kong simula na ito ng pagbangon ko mula sa daluyong. Marahan kong sinabunutan ang sarili matapos maalala ang ginawang katangahan nitong araw, iyong pagwala sa harap nang burol ni Ina, at ang muntikang pagkawala ng anak ko.

Bakit ba hindi ko kaagad napagtanto na hindi naman umalis si Mama. Sadyang oras niya lamang talaga at ang lahat ay nakatakda para sa mas malalim na dahilan.

Pinag-igihan ko ang pagbabasa, ultimo kaliit liitan na detalye ay sinasaulo ko upang maihanda ang sarili sa unang pagsusulit. Hindi ko nagawa ito noon dahil wala akong interes at inspirasyon, ngunit iba na ngayon. May pangarap na ako, may gusto na akong gawin, at may matatag na'kong dahilan.


Pakiramdam ko ay ngayon lamang nagkaroon ng halaga ang aking buhay. Humikab ako matapos makaramdam ng antok. Hinawakan ko ang batok dahil sa pangangalay nito . Tinuloy ko ang pagpi-pindot sa hanay ng keyboard, isa itong research na ginagawa ko. Sa totoo lang ay matagal pa bago i-sa-submit pero maaga ko nang inasikaso.




Para na tuloy akong si Maliana. Kaagad akong lumingon sa likod ko dahil sa labing dumampi sa'king batok. Napangise ako matapos niyang salubungin nang halik ang labi ko at marahan niya pang kinagat bago pinakawalan.



"Nagising ba kita?", hinaplos ko ang panga niya, maaga kasi siyang natapos sa pagre-review kaya agad ding nakatulog kanina. Dumapo ang tingin niya sa laptop ko .



" My wife is getting serious about her study," tinignan niya akong mabuti, namula ang pisngi ko dahil totoo naman iyon.


"I like it baby, but it's 11:30 in the evening and I'm going to punch that thing if you'll not going to sleep right now, beside me." Nabura na roon ang paglalambing sa mukha ni Juan, gusto ko pa sanang umangal ngunit hindi na nagawa matapos niya akong kargahin palapit sa aming kama.


RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now