Chapter 40 The Graduate

50 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Don’t Go Away by Oasis

Patapos na ang semester, ilang linggo na lang ang hihintayin ko at summer na. Mabilis lang naman lumipas ang araw kaya isang kandirit at isang kembot, makukuha ko din ang inaasam asam ko.

Yun nga lang, nakatatak sa utak ko na ang mga classmates ko, mamartsa na sa stage. Si Sandra ang magi-speech sa commencement. I’m happy for her. Mas happy sana ako kung nandun ako at nakaupong nakikinig sa speech niya.

Sana masaya na si Chloe at si Sir Sera sa ginawa nila. I wish them well.. in hell.

 Good vibes lang Conrad.

Marami din akong napagdaanan sa pag-iintern ko dun, yung mga matronang dinadampi dampi ang pwet ko, nakayanan ko naman yun tapos mauuwi lang pala ang lahat sa wala? It was never worth it!

Inimbita ako nila Papa sa bago nilang bahay sa Makati for dinner. Inimbita ko si Portia but she acted weird, may lakad daw siyang importante so ako lang mag-isa ang pumunta.

Simpleng bungalow ang style ng bagong bahay na nabili nila Mama. May dalawang kwarto, malawak na living room at malawak na kitchen. Simple lang pero nadala siya ng fiber glass window at eleganteng furnitures na nakadisplay sa living room.

Siguradong yung isang kwarto, akin yun.

“Ma, dito kaya ako matulog ngayon?” tanong ko kay Mama.

“Sure!”

Hindi ko naitago kay Mama ang pagkamiss ko sa kanya. I’m happy na hindi nila ako prenessure sa kinakaharap kong problema. Pero hindi na siya malaking problema ngayon dahil nasolusyunan na.

Hindi naman sila nangialam sa desisyon ko kahit maging ano pa man yon.

“Ma, nothing beats your Kare-Kare!” sabi ko kay Mama.

Ito ang namiss ko, dinner with family, kare kare ni Mama at usual conversation at tawanan sa hapagkainan.

“So, Conrad, wala na bang chance dun sa New York?” tanong ni Papa.

“Magsa-summer na next month, ilang linggo na lang, Nakapgdesisyon na akong magsummer class na lang.”

“Okay, if that’s what you want.” Ngumiti sa akin si Papa.

“Ma, ako na lang ang maghuhugas.” Sabi ko kay Mama at tumayo para hugasan ang mga platong pinagkainan.

Matapos kong patuyuin ang mga plato, biglang may natanggap akong text galing kay Portia. Magkita daw kami ngayon.

“Ma, lalabas muna ako saglit.”

Paalam ko sa kanila habang nanonood ng tv sa may sala.

Nagkita kami ni Portia sa isang malapit na coffee shop sa may village. Nilapitan ko siyang nakangiti.

“Kanina ka pa?” tanong ko pero hindi niya ako inimik.

May naghihintay na kape sa tapat ko. Humigop ako ng konti at medyo malamig na ang kape, siguro kanina pa siya dito.

“So, how’s your day?”

Nagtanong ako ulit sa kanya pero hindi niya ako ulit sinagot. Balisa at malalim ang iniisip niya. Bago niya ibinuka ang bibig niya para magsalita, ngumiti muna siya sa akin.

“If I tell you to leave for New York, will you go?” tanong niya.

“Ito na naman ang topic. Sinabi ko naman sayo di ba? Tapos na, napagusapan na natin. Hindi ang sagot. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.”

“What if I tell you to go?”

Nagulat lang ako sa seryoso niyang mukha na nagpapahiwatig na pinapalayas niya na ako sa Pilipinas.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon