Chapter 4 The Spot

27 0 0
                                    

Soundtrack for this chapter: I’m so Blue by Michael Jackson (Click multimedia to listen)

 

Bago ako magbrunch sa isang restaurant, dala-dala ang envelope na laman ang notebook/journal, papunta ako sa malapit na mail box para ipadala kay Portia ang naipon kong kwento.

May ngiti sa aking mga labi. Hindi naman ako nage-expect na sagutin niya ako ng isang makapgdamdamin na sulat.

Hindi talaga ako nage-expect. Sana, sumulat siya.

Pero kung hindi naman, okay lang.

Pero kung mag-reply siya, okay din.

Hindi talaga ako expectant.

Pumasok ako sa isang coffee shop para makapagkape at habang hinihintay ang inorder ko, I checked my email sa phone ko, baka sakaling may sagot na at through email siya nagreply.

Ang sabi ni konsensya:

Conscience: “Conrad, hindi pa nakakarating ang envelope. Naihulog mo pa lang sa mailbox. Sagot agad! Agad-agad!”

Conscience, point taken!

Kinuha ko ang notebook ko, ito yung volume 2, bagong notebook at nagsimulang magsulat.

Day 197

Maaga akong nagising para ihulog sa mailbox ang padala kong notebook. Nandito ako sa isang coffee shop, naghihintay na sana may reply ka. Sana lang hindi kayo lumipat ng bahay. Alam ko pa rin ang address na ibinigay sa akin ni Dominic noon.

Nakakamiss ang bahay na iyon. Kamusta na si Tito? Pati na rin ang puno na itinanim ko nung bumisita ako sa inyo at pilit mo akong pinapalayas.

P.S Naalala ko ang ulam natin noon, ampalaya. Haay, buti hindi pa ako nakakakita ng amplaya dito, kasi maiisip na naman kita at baka tumulo na naman ang luha ko.

Kasinungalingan lahat ng kadramahan na isinusulat ko dito sa notebook na toh. Hindi naman talaga ako umiyak. Sinabi ko lang yun para maramdaman niyang malungkot ako. Malungkot naman talaga ako but not to the point na iiyak ako tuwing makakakita ako ng vacuum at antibacterial soap. Ano ako? Half praning, half katok?

Well, aminado naman akong iniyakan ko ang break up pero isang luha lang naman ang lumabas. Kung ang pelikulang The Notebook nga eh, hinikbian ko, yung sariling downfall ng relationship ko pa kaya?

Pero nung unang beses na naglaba ako gamit ang washing machine na pinagipunan ko at gamit na rin ang antibacterial soap na binili ko, naluha talaga ako ng slight. Slight lang naman.

I never thought na mauuwi sa ganito ang relasyon namin. All of the sudden, bigla niya akong sasabihan na ayaw na niya. Iniisip ko din, maybe she just wanted a little space at gusto niyang sundin ko ang opportunity na kumakatok sa pintuan ko. It’s probably for the better. Nainitindihan ko. Mahal ko eh kaya kahit gaano pa kasakit yan, iintindihin ko.

Malawak ang isipan ko. Sana lang nakokontak niya ako. All I want is to get her back. Kung meron man siyang bagong boyfriend, wala akong pakialam, I will get her back.

INSERT CONSCIENCE: “Dude, ang tanong mahal ka pa ba?”

Conscience, gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako ulit. Alam kong mahal pa ako nung empaktitang yon, alam ko yun. What we have is something beautiful, something that’s still blossoming. This space between us, ito yung time maisip niya ang kawalan ng nilalang na tulad ko.

Kung ang mga kababaihan sa campus, siguradong suicidal at mabaliw-baliw na sa pagkawala ko sa university, si Portia pa kaya? Ito yung moment sa buhay niya na naisip niya kung gaano ako kaimportante sa kanya.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon