Chapter 2 Gangs of New York

34 1 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Police and Thieves by The Clash

Walang specific wardrobe sa office. Kahit anong gusto mong isuot pwede wag lang nakaboxer shorts.

Yung iba casual wear ang sinusuot. Ako, komportable ako sa buttoned down at necktie tapos meron akong hoodie kasi autumn na ang klima dito. Tapos na ang napakainit na summer.

Habang naglalagas ang mga dahon sa puno at lumalamig ang hangin, parang mas lalo akong nalulungkot. Kasi kapag nagsimula na ang autumn, parang malapit na ang Christmas season.

Excited din ako dahil first time kong makaka-experience ng tinatawag nilang white Christmas.

Sa Pilipinas kasi ma-eexperience mo lang ang malamig na panahon kung may bagyo o kaya tuwing December at January. Dito, halos laging malamig. Kahit tuwing summer, malamig kapag gabi na.

Medyo malayo layo ang office mula sa apartment ko. At dahil hindi ko afford ang kotse, ayokong pumara ng yellow cab, ayokong mag subway o yung tinatawag na LRT sa Pilipinas. Bumili ako ng bisekleta nung unang sweldo ko. Dito kasi sa New York, matraffic din. Lalo na kapag rush hour. Mahirap pumara ng taxi. Kaya nung wala pa akong bisekleta, lagi akong late.

Form of exercise na rin since bihira ako mag-exercise at hindi hassle, walang traffic.

25 minutes ang binabaybay ko sa pagpasok ko sa office. Medyo may pagkaluma ang building ng firm. Renaissance ang theme. Para siyang building ng post office ng Maynila o kaya yung De La Salle University sa Taft.  

Pagkatapos kung i-park ang bisekleta ko, pumasok ako agad at binati ang receptionist na si Mrs. Beckford, isang black woman na nasa kanyang 40’s.

Dumeretso ako sa table ko, sa table na yun, katabi ko si Ashley Dean, blonde bombshell na kahawig ni Scarlett Johansson. Para siyang Barbie doll at napaka elegante kung kumilos. Qualified maging FHM sexiest dahil sa pagkakaroon ng perfect na katawan.

“Hey, C to the Tom!” bati niya sa akin. “Here’s your coffee!”

Ibinigay niya sa akin ang kape ko na libre niya.

“Thanks Ash!” ngiti ko sa kanya.

Matapos kong hubarin ang hoodie ko at iayos ang gamit ko, alam kong parating na si Tyson o T-pain-in-the-ass.

Si Tyson ay isang black na kamukha ni Kanye West. Para siyang gangsta kung magsalita dahil siguro galing siyang Bronx.

“That’s where cool kids came from, ma peeps from the hood!” sabi niya sa akin nung tinanong ko siya kung saan siya lumaki.

Maangas, kala mo laging may kaaway. Mahilig din siyang magmura. Mahilig magpasabog ng F-bombs.

Para siyang si Samuel L. Jackson kung mgasalita. Naalala ko tuloy yung mga quotes niya sa pelikulang Pulp Fiction.

“Do you speak English in WHAT? Say WHAT one more time.. I dare you, I double DARE YOU MOTHA FUCKA. What does Marcellus Wallace looks like? DOES HE LOOK LIKE A BITCH?”

Kabisado ko pa ang paborito kong linya sa pelikulang yun. Ganito si Tyson magsalita.

“Good Morning, Tyson!” bati ko sa kanya.

“Yo, ma man!” sagot naman niya sa akin.

Sila ang mga barkada ko dito, sila ang kagimik ko every night. Si Ash, may ka-live in boyfriend siya na barkada din namin. Si Connor Silverman. Isang computer programmer, na hindi naman ganun ka-hot para magustuhan ng isang bombshell na si Ash.

Pagkatapos ng batian, inom ng coffee, trabaho na agad. Wala ditong tsismisan at focus lahat ng tao sa kani kanilang trabaho.

Maya-maya pa dumating na ang boss namin na si Engineer Will Fumble. Siya ang boss at sa lahat ng boss siya ang pinaka childish. Akalain mong isang engineer tong mukhang sira ulo lang.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon