Chapter 39 Teamwork

50 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Little Birdies by Cara Mitchell

Natanggap ko na ang kapalaran ko. Wala na talagang pag-asa ang internship ko. Pero naniniwala naman ako sa kasabihan na ‘What doesn’t kill you makes you stronger.’ Merong mas malaking bagay na nakalaan para sa akin.  

Pero kahit ilang beses mong sabihin sa sarili mong okay lang ang lahat, nanghihinayang pa rin ako. Akala ko, ako ang magbibigay ng speech sa commencement. Ang sarap kaya ng feeling na nasa gitna ka ng stage, nagsasalita ka ng mga bagay na hindi naman naiintindihan ng karamihan, tapos tinititigan ka ng mga kababaihan at pigil ang kanilang pagkahumaling, tapos inspirasyon ka ng kabataan. Kapag tinanong ang mga freshman kung sino ang inspirasyon nila sa kanilang careers, ang sasabihin nila, “Si Conrad Tomas! Idol ko yun!”

O kaya kapag namention ang pangalan ko, ang sasabihin nila, “Si Conrad Tomas? Isa siyang henyo! Siya ang dahilan kung bakit ako enhenyero!”

Sabi nga nila, bakit ko pa ipipilit ang mga bagay na hindi naman itinakda para sa akin. Mag-aaksaya lang naman ako ng oras ko tapos wala naman pa lang mangyayari.

Kaya nagbago na lang ang pangarap ko. Magsisikap na lang ako ng mabuti kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at kahit wala akong college diploma na maipagmamalaki at maisasampal sa kanilang lahat!

Tulad ni Mark Zuckerberg, ang nag-imbento ng facebook, youngest billionaire. Si Manny Pacquiao, si Peter Jackson, si Quentin Tarantino. Kung tatambay lang ako sa labas ng ABS-CBN, siguradong within 30 seconds, meron agad mago-offer sa akin ng konrata para palitan si Piolo Pascual bilang heartthrob.

Tumunog ang cellphone ko at si Mama ang tumatawag.

“Hello?” sagot ko.

“Anak, okay ka lang?” sabi ni Mama.

Tinext ko kasi siyang hindi na nilang kailangang lumuwas ng Maynila ngayong March dahil hindi ako makaka-gradweyt this year.

“Ma, okay lang ako.”

“Ano ba kasing nangyari?”

“Mahabang kwento Ma.”

“Anak, ano kaya tanggapin mo na lang yung inoofer sayo ni Arnold. Sabi niya kasi ang kailangan mo lang autocad at maha-hire ka na kaagad sa kompanya nila.”

“Hindi na kailangan Ma, hihintayin ko na lang ang summer. Isa-summer ko na lang toh.”

“Pero anak, if you would like to think about it, wala ka ng kailangan gawin kundi pumunta dun tapos tutulungan ka na lang nila. Sayang naman kasi yung opportunity.”

“Ma, hindi pa magugunaw ang mundo bukas. Hindi kailangan madaliin ang mga bagay bagay.”

“Sige anak, pero kung gusto mo sabihin mo lang. Bye! Take care of yourself.” Ibinaba na niya ang telepono.

Isa nga yung opurtunidad pero hindi ko iiwan si Portia.. pati ang pamilya ko. Mahal ko ang Pilipinas!

Dumating si Portia na may dala dalang pagkain at mukhang haggard galing sa school.

“How’s your day?” tanong ko sa kanya.

Ang normal na tao kapag galing sa trabaho o galing sa labas, nagpapahinga muna at nagrerelax. Si Portia, inuna niya ang maglinis bago ang magpahinga.

“Hindi maganda. Malapit na ang finals at sa tingin ko, lalagpak ako sa trigonometry, sa algebra, sa chemistry, feeling ko nga pati sa Filipino eh!” sabi niya.

“In short, sa lahat ng subjects?”

“Hindi naman lahat! At least, may pag-asa naman ako sa English! Hindi naman kasi ako magaling sa Math eh!”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon