Chapter 18 The Gossip

45 2 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Kill the Director by The Wombats

Napatambay kami nila Wency, Fred, Alex at Deo sa field nang biglang dumating si Jaymee.

“Conrad, pasimple ka lang eh noh? Nililigawan mo na pala si Portia.”

“NILILIGAWAN MO SI PORTIA!” sabay sabay na sinigaw ng mga kumag.

“No comment!” sagot ko.

Napadaan naman si Portia at nakita ako. Iba ang dating niya sa akin ngayon. Imbes na pasigaw at nakasimangot niya akong binabati o hindi naman talaga niya ako binabati, bigla niya akong pinansin.

“Hi, Conrad! Thank you.” Ngiti niya sa akin. “Tara na Jaymee.” Yaya niya at umalis na silang dalawa.

“THANK YOU DAW OH!” asar ng mga kutong lupa.

Nang mag-uuwian na, napadaan ako sa labas ng science building, at sumakto naman ang padating ng inaabangan ko.

“Hi!” sabi ko kay Portia. “Pauwi ka na? Sabay na tayo.”

Nakasimangot siya at tinatarayan na naman ako.

“Ayoko! Umalis ka nga dyan!” tinulak niya ako at nag-aalburutong lumakad palayo.

Kanina okey siya, ang sweet ng mga ngiti, tapos nag thank you pa. Ngayon naman, nakasimangot at hindi maipaliwanag ang teorya ng pagkagalit sa akin. May katok ba siya?

Lumabas din si Dominic galing sa science building.

“Dom, uwi ka na? Sabay na tayo.”

“Aalis na ako sa apartment. Hahanap na lang ako ng matitirhan ko.”

“Teka, bakit? Hindi naman kita pinapalayas! Iiwan mo na ako? Dominic, may problema ba?”

“Saka na tayo mag-usap!” umalis din siya agad.

Ano bang meron sa Science building at lahat ng tao na galing doon eh mukhang nag-aalburuto? Meron kayang masamang kemikal na nalanghap nila o may masamang ispirito na sumapi sa kanila?

Summary of Events

According to my source, na si Jaymee, ang tsismosa ng bayan, meron ngang sumaping masamang ispirito sa kanilang dalawa, at iyon ay si Sandra.

Rewind;

“Hi Conrad! Thank you!” ngumiti si Portia kay Conrad. “Jaymee, tara na!” sabi niya kay Jaymee.

Nag-CR ang dalawa bago pumasok sa kanilang klase.

“Ano Portia? Sasagutin mo ba ang pinsan ko?” tanong ni Jaymee.

“Hayaan mo lang siyang manligaw. Hindi pa ako ready to jump into a new relationship. Okey na yung ganito kami. We are getting to know each other.” Sagot niya.

“Baka naman umasa lang si Conrad.”

“Binasted ko na siya kaso sige pa rin ang sige.”

“Wait! May nakalimutan ako! Portia, mauna ka na sa room.” Lumabas si Jaymee sa CR.

Nang paglabas ni Jaymee, saka naman ang paglabas ni Sandra mula sa toilet at lumapit ito sa may lavatory upamg maghugas ng kamay.

“Ikaw yung ex ni Dominic nung lalake pa siya di ba?” tanong niya kay Portia.

“Ako nga at wala ng iba!”

“Nililigawan ka ni Conrad?”

“Why are you asking me? Ano naman sayo kung nanliligaw siya sa akin?”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon