Chapter 8 The Detention

94 1 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Sabotage by Beastie Boys (Click multimedia to listen)

“We are so disappointed of you Mr. Tomas.”

Kausap ko si Mrs. Agrable sa office ng CE department.

Anong ginawa ko na ikina-dissappoint nila. Yung initiation ba na hindi naman nararapat? Yung grades ko ba bumaba? Pumapanget na ba ako?

“Nagpa-organize ka ng event tapos ginamit niyo ang field ni hindi niyo man lang lininis at nagkalat pa ang itlog.”

Wew, yun lang pala.

“I apologize in behalf of my members. I’m willing to do the suitable punishment of my irresponsibility.”

“Alright, then, you have to complete four hours of detention.”

Detention? Ako?

“Eh, ma’am, ako lang po ba?”

“Yes, along with the others who committed offense today.”

“Okey po ma’am.”

“Okey, that’s all. You can go back to your class.”

Sabi nga nila kung anong ginawa mong masama sa kapwa mo, siyang babalik sayo 2x worst. Ito na ang tinatawag na karma matapos ang pagpapahirap kay Portia.

After ng autocad class ko, nilapitan ako ni Sandra.

“Conrad, uhm, I really don’t understand this?” ipinakita niya sa ang isang physics equation.

“Ano ba yan? Electricity?”

“Yes, I think so. Alam mo ba toh?”

“Hindi ko nga rin maintindihan yan eh, naguguluhan ako pero kilala mo ba si Benj? Electrical Engineering yun. Alam niya yan. Magpatulong ka sa kanya.”

“I don’t know him eh. Research na lang tayo sa library.”

“Bawal ako sa library eh.”

“Then, mag group study na lang tayo. We’ll use Wikipedia as a resource.”

“I’d like to pero I have to complete four hours of detention eh.”

“Why? Anong offense ang nagawa mo?”

“Yung sa race kasi. Nakalimutan yung mga kalat kaya pinatawag ako ni Mrs. Agrable.”

“Oh, okey. Sige ako na lang magreresearch then siguro, explain ko na lang sayo.”

“Thanks, Sandra.”

Buti na lang may detention. May legal na rason para maiwasan ang awkward situation.

Sa detention room na naka locate sa 7th floor ng science building, naghihintay si Mr. Del Castillo. Pumasok ako at parang ako lang mag-isa ang tao. Ipinasa ko ang detention slip. At he directed me to the chair. After several minutes, may pumasok.

“Ms. Sabrossa, welcome back!” sabi ni Mr. Del Castillo.

Umupo si Portia sa isang upuan malayo sa akin. Napansin niya ako, pero hindi niya ako binati.

After several minutes na nakatunganga kaming dalawa. Halos ilang oras natengga ang utak ko sa detention room na iyon. Nagpahinga ang neurons sa brain ko.

“Get up!”

Tapos na ba? Pauuwiin na ba kami?

Pumunta kami sa 8th floor at sa isang bakanteng room, na puno ng kalat at vandals, pinapasok kami.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon