Chapter 1 Empire State of Mind

36 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Do You Want To by Franz Ferdinand

Tumunog ang alarm ng orasan, eksaktong alas-7 ng umaga. Oras ng gumising at batiin ang mga ibon sa bintana ng aking New York apartment dito sa Upper East Side of Manhattan.

People from the Upper East Side are all ‘glitz and glamour’. Siguro naman alam niyo ang Gossip Girl. Kung baga ang mga nakatira dito kalebel nila Zobel. Mayayaman at mga socialites. At dahil simpleng tao lang naman ako who happens to have a stable job, dito ako sa Greenwhich Village na may ‘quirky’ na apartment. Maliit lang ang inuupahan ko dito pero mas malaki naman sa apartment ko sa Maynila. At ang pinagkaiba, bricks gawa ang pader.

Gusto ko ng bahay na gawa sa bricks, parang European style ang architecture.

Ibang iba ang buhay dito. Halos lahat ng tao workaholic, workaholic in a way na hindi sila nagtatrabaho para sa pera, talagang gustong gusto nila ang ginagawa nila.

Nung bago pa lang ako dito, halos araw araw kong kausap si Mama. Yung thought na nahomesick ako kasi nag-iisa lang ako dito. Minsan hindi ko sila ma-gets.

Nung dumating ako dito, tinulungan ako ni Tito Arnold mag-adjust. Dun ako tumira sa apartment niya for a week hanggang sa nakakuha ako ng sarili kong apartment at alam ko na ang pasikot-sikot at komportable na ako sa pinagtatrabahuan ko.

Naging intern muna ako sa firm, hanggang sa nakumpleto ko na ang required hours na kailangan punuin for my grades, pinasa ko sa University tapos pinadala na nila ang diploma ko. So, nakagradweyt din ako at natapos ko din ang course ko. Although hindi ako nakapagmartsa at hindi pa ako nakakapag take ng licensure, paper works at technical drafting ng mga layout ang ginagawa ko dito sa firm.

Okay naman sa akin. Sankatutak ang sweldo ko kahit ganito lang ang trabaho, maayos ang tirahan ko, at mababait ang mga katrabaho ko. Kapag nasa trabaho, kailangan trabaho talaga dapat. After work, yun ang gimikan. Kadalasan ang kompanya laging nagpaparty. Ang mga barkada ko dito, halos gabi-gabi tomotoma sa katabing bar.

Sumasama naman ako sa kanila kasi kapag hindi ka maki-join, hindi ka ‘in’. Nasanay na rin ako kaya pagkatapos ng trabaho, pumaparty ako kasama nila.

First day of work ko, nangangapa pa ako. Iniinvite nila ako sa after work gimik nila, hindi ako sumasama at diretso ang uwi ko sa bahay. Kaya ang tawag nila sa akin, ay isang nerd. Hindi naman kasi talaga ako mahilig pumarty.

Hanggang sa pinilit na nila ako, ayun napasama na ako. Mahilig sila makipagsocialize.

Ang trabaho ko dito, Monday-Friday. And every weekend nasa Central Park ako para mag-jogging, magbasa ng libro at magsight-seeing. Central Park ay parang Luneta at iyon lang ang alam kong lugar dito na pwede kong matambayan. Meron namang TriBeCa, SoHo, Times Square, nakakatamad lang kasing maglakad-lakad.

Wala namang nagbago sakin bukod sa pagiging certified New Yorker. Ganun pa rin naman ako, gwapo, suplado, gentleman, single, not ready to mingle, workaholic, sensitive, melancholic, nerdy. Minsan sa dami ng trabaho ko, nababawasan ang homesickness.

I’m in New York…

Concrete jungle where dreams are made of…

There’s nothing you can’t do…

Now you’re in New York…

These streets will make you feel brand new…

Big lights will inspire you…

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon