Chapter 21 Sembreak

73 1 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Reasons to Love you by Meiko (click multimedia to listen)

“The greatest thing you’ll ever learn is to love and be loved in return.” – Moulin Rouge

Simula nang matulog ako ng gabi, hanggang paggising ko, ngiti ang pambungad sakin. Hindi na ako marunong sumimangot, hindi ko na alam kung paano magalit dahil sa kaligayahang nararamdaman ko at pinaparamdam sa akin ng pag-ibig.

Ganito pala ang feeling ng may syota. Para kang humithit ng pinakamagandang droga at pakiramdam mo, kumakandirit ka sa mga ulap at lumulutang ka sa himpapawid.

“I’ll see you later.” Sabi ko kay Portia sa telepono. “Sige na… ikaw na ang maunang magbaba…. Hello?... Hello?” Binaba nga niya.

“Con, parang naninigas na ang pisngi mo sa kakangiti! Sumimangot ka naman kahit minsan.” Asar ni Dominic.

Enrolment ngayon kaya may rason para magkita kami ng ‘Shwi-sham’ ko. Ayaw niyang tinatawag ko siya ng shwi-sham dahil baduy daw. Wag daw akong masyadong sweet dahil corny daw. Eh ganun naman talaga pag in love ka, gumagawa ka ng stupid na bagay.

Pagkatapos mag enroll, dumaan muna kami sa mall para mamasyal. Dati, ayaw niyang sumama sa akin at natatandaan ko pa, nung sila pa ni Dominic, halos parang kami yung magkadate pero imahinasyon ko pa lang yun. Ngayon yung mga iniisip ko dati, nagkakatotoo na. Sana ganito kami hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Holding hands dito, akbay doon, titig dito, tawa dun. We are the happiest couple. Sabi nila ganito daw sa una, masaya pero darating din yung araw na hindi na magiging masaya. Hindi ko iniintindi yung mga kontrabidang bumubulong sa akin. We are enjoying the moment and what’s there to worry? Ang panget naman kung nagiging kayo pa lang tapos iniisip mo na, paano kung hindi mag-work?

We stopped by an ice cream shop at dahil hindi siya kumakain ng ice cream, cookies ang binili niya.

“You’re certainly not my type!” sabi niya sakin habang ninanamnam ang cookies and cream flavor.

“Eh bakit sabi mo gusto mo ako? Tapos sasabihin mong hindi mo ako type. Ang labo mo!”

“Lahat kasi ng naging boyfriend ko, type na type ko talaga. As in, crush na crush ko. Tapos ikaw, hindi ko naman masyadong gusto.”

“Ano yun? Naawa ka lang sa akin?”

“Parang ganun.”

“Pero kung makahalik ka! Kung maka-i-love-you ka!”

“Gusto mo bawiin ko?”

“I knew you were telling me the truth when you said you love me. Siguro hindi mo ako masyadong gusto and that’s fine. Alam ko naman na hanggang ngayon, hindi ka makapaniwala na yung mortal mong kaaway eh syota mo na ngayon. At hindi ka rin makapaniwala na ganito kagwapong nilalang ang boyfriend mo!”

“Oo nga eh, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na mahangin ka pa rin!”

“And I’ll make sure na you’ll love me head over feet!”

“Baka ikaw. Di ba ini-istalk mo ako? Obssesed ka nga sakin eh. Alam mo kasi nung time na sinabi mo sa akin na gusto mo ako at nagseselos ka kay Dominic kaya ka galit sa akin, feeling ko ang ganda ganda ko. May isang timang kasi na habol ng habol sa akin. Akalain mo yun! Ang sarap kasi ng feeling ng ganun!”

“Ako? Habol ng habol sayo! Feeling mo naman! Tapos na kasi ako sa stage na ako yung hinahabol ng mga babae kaya nung mabaligtad ang mundo at ako naman yung nanghahabol sabi ko nga, ganito pala ang nararamdaman ng mga babae sa mundo?”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon