Chapter 25 The Harassment

71 1 0
                                    

Naks Meds! Tenkyu:)

Soundtrack for this Chapter: Don’t kick the Chair by Dia Frampton feat. Kid Cudi

 

Pagpasok ko ng office, nakahanda na speech na sasabihin ko kay Mrs. Sera, ang lasenggerang boss. Pinag-aralan ko ang sexual harassment na pwede kong isampa sa kanila. This is bullying. Nandito ako para mag-ojt hindi para gawing isang meteryal para sa sexual interest o in other words, pagnasahan ng mga nilalang dito sa office.

Tama si Portia, I need to talk to all of them. Sana lang, normal si Ma’am ngayon at sana lang mapakinggan ako nitong mga toh.

Habang hinahatidan ko ng kape ang mga kababaihan, dumating si Ma’am ng maaga. For the first time, maaga siya ngayon. Desente ang damit, naka-shades kahit maulan at nagtatago ang araw sa labas, at straight ang kanyang lakad.

Dumeretso siya sa kanyang office pero hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok din ako para makausap siya.

“Ma’am, can I talk to you?” sabi ko sa kanya ng bigla akong pumasok sa office niya habang inalis niya ang kanyang shades at nagtanggal ng blazer.

“Yes?” tanong niya sa akin habang nagbabasa ng magazine na nakapatong sa table niya.

Sa loob ng office niya, on a normal day na hindi siya nagsusuka at hindi siya lasing, first time kong makakakita ng office na walang kalaman laman kundi magazine instead na mga books or papel. May malaking family picture na nakadisplay sa pader. Si Ma’am Sera na abot tenga ang ngiti at isang ubanin na manong na malamang si Mr. Sera at isang nagaalburutong batang babae sa gitna na siguro ayaw magpapicture kasi nakasimangot. Ang weird ng family picture nila.

Sa table niya naman, meron ulit family picture na yung bata nakasimangot pa rin pati si Mr. Sera, habang si Mrs. Sera lang ang nakangiti. Siya lang ata ang may gustong magpapicture.

Wala ring computer sa loob, sandamukal lang na magazine na kung hindi ko pa napansin, aakalain ko na isang architectural magazine, pero hindi, Cosmopolitan na sa pagkakaalam ko, isang female magazine na tinatackle ang sex. Parang FHM pero pambabae.

Oh no… Siya rin kaya?

“Ma’am I really need to talk to you about sexual harassment na ginagawa ng mga employees dito sa akin. I just wanna let them know that what they are doing, like, touching one of my private parts is illegal. I know I seemed like an immature person complaining about this stuff but it happened so many times and I can’t just let it happen all the time. I can take their inconceivable demands but they don’t treat me with the much needed respect. I just want you to take action against it because sexual harassment and bullying against other employees is prohibited. I can sue them and sue this company if it doesn’t end.”

And I thank the Academy for this Oscar award that you gave for my enormous acting.

“So in other words, gusto mong dagdagan ko ang sweldo mo?”

Anong sweldo? Baliw ka ba Ma’am? Ojt ako tapos sweldo ang pinagsasabi mo? In other words, sa haba ng speech ko na ginawa kagabi, wala siyang naintindihan!

“Ma’am Ojt po ako dito.”

“Oh… intern?” tanong niya habang nakatingin siya sa magazine na nung tiningnan ko ang topic na binabasa niya eh, lists of sex position.

Ano bang tawag sa nago-ojt? Di ba intern?

“Tell it to them!” sabi niya.

The words fit perfectly, pagkatapos, hindi pala siya dapat ang sabihan ko nun? Di ba ikaw ang boss? Kung hindi lang ako nakakapagpigil at kung hindi ako isang tunay na lalaki, nasabunutan ko na toh eh!

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon