Chapter 3 The Heartbreak Kid

119 1 1
                                    

Soundtrack for this Chapter: Jump into the Fog by The Wombats (Click multimedia to listen)

“Bakla ka ba?”

Naalala ko ang tanong sa akin ni Jaymee matapos siyang maasar sa akin dahil sa hindi ako makapili ng mga babae na ipinapadate niya sa akin.

Naitanong ko na rin yan sa sarili ko pero as far as I know, hindi ko pa napagnanasahan si Deo o kahit si Coco Martin. Porket ba walang girlfriend, bakla na agad?

Pihikan kasi ako pagdating sa babae, choosy masyado. Siyempre, kung ganito ka kagwapo, may karapatan ka talaga maging choosy.

Wala kasi akong type. Hindi ko alam kung anong gusto ko sa babae dahil hindi ko sila masyadong iniisip.

Siguro ang pinaka close na nagustuhan ko ay si Sandra Quan, pero yun nga masyado siyang obsessed sa akin. Pero alam ko na ngayon kung sino talaga ang gusto ko, si Portia.

Like what I’ve said, simple, girl-next-door, at girlfriend material. Hindi naman ako ganito sa isang babae, sa kanya lang at siya na nga yata ang pinaka maswerteng babae sa balat ng campus dahil nagustuhan siya ng isang Conrad Tomas!

Maraming maganda at simple sa mundo, pero siya talaga ang gusto ko eh. Kung magkakagirlfriend man ako, sana siya yun. Tama, siya nga talaga ang pinadeliver ni God para sa akin.

“Conrad! Masyado kang maarte, nagkakaubusan na ng babae sa mundo baka mamaya ang matira sayo eh yung hindi mukhang tao. Sayang ka naman!”

Naalala ko na naman ang sinabi ni Jaymee sa akin at nakakapikon nga ‘toh eh pero may point siya dun. Paano nga naman kung ganun ang mangyari?

Humiga ako sa sahig at tinitigan ang kisame. Start living your life!

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Deo.

Malate, ang party place na sinasabi ni Deo. Party place na akala ko sosyal na bar or whatsoever. Ang bar para sa kanya ay isang beerhouse. Tama rin naman, party place, bahay aliwan

Dumating ako at nakita ako agad ni Deo na may kaakbay na dalawang babae.

“Pare!” tawag niya sa akin.

Lumapit ako sa table nila at umupo.

“This is the life pare!” sabi ni Deo a medyo lasing na. “By the way, si Mercedes at si Maricar.” Pakilala niya sa dalawang babae.

Hindi ko makilala kung sino sa dalawa ang Mercedes at ang Maricar. Basta itago na lang natin sila sa nickname na M2M.

“Sige pare, inorder na kita.”

“Teka, aalis ka na? Kararating ko pa lang!”

“Pare naman may oras tong chicks ko sayang naman. Ayan na yung chicks mo na inorder ko. Mamam ka na ah!” sabi ni Deo sabay tayo at kaakbay ang dalawang babae.

Iniwan ako ng peste na yun kasama ang isang babae na naka mini skirt at naka tube top with full make-up na akala mo magsasagala.

“Hi, I’m Margarita.”

Margarita naman ang pangalan niya lahat yata sila puro M. Wala akong magawa kundi umorder ng san mig light at san miguel beer.

Pipilitin kong maubos agad ang beer na inorder ko dahil gusto ko ng umuwi. Bakit ko pa kasi naisip ‘toh eh. Hindi ko kinakausap si Margarita, hindi rin naman niya ako kinakausap.

Pero nung medyo nabored na siya, lumapit siya sa akin at hinimas ang hita ko. Tapos tinanggal niya ang tatlong butones ng itim na Armani Exchange polo. Sunod sunod ang lagok ko sa alak para maubos na. Tinawag ko ang waiter at binigyan ng P1000.00. Medyo malaki yun pero wala akong pakialam, gusto ko ng lumayas dun.

Pagkabigay ko sa waiter ng pera, tumayo ako at dali daling umalis sa beerhouse. Hindi na ako nagpaalam dun sa babae.

Ito na ang pinaka last kong gigimik kasama si Deo na siguro byaheng langit ngayon. Bar hopping daw ang tawag dito, ang alam ko sa usual gimikan ng normal na tao, hindi GRO ang mga kababaihan. Sa lahat kasi ng pwede kong maisip, ito pa ang tumatak sa akin.

Tiningnan ko ang relo ko, medyo maaga pa pala. I decided to wander the streets, makapaglakad lakad nga muna at magpahangin. Ayoko pang umuwi, ayoko din namang bumalik dun. Dito muna ako.

Naghanap ako ng balut o kaya lugawan para mainitan ang sikmura ko dahil sa unexpected events na nangyari.

Iniisip ko si Deo at ang ginagawa niya ngayon. For sure maligaya siya pero sure ba siya na after nito bukas wala siyang STD. Bakit kasi ngayong gusto ni Deo manchicks eh sa beerhouse pa siya naghahanap. Panandaliang ligaya lang ang gusto niya?

Nakakita ako ng nagbabalut at kumain saglit. Habang binabasag ko ang itlog, napatingin ako sa kabilang kalye. Pamilyar ang babaeng naka t-shirt at skinny jeans at nakatali ang buhok. Tama! Si Portia! Anong ginagawa niya dito? Ganitong oras ng gabi?

Hindi na importante kung ano man iyon. Si Lord talaga, kung makapagbigay ng gift sa akin, engrande! Ito na ang pagkakataon ko, nandito na ako sa point kung saan ako at siya ay pinagtagpo para mag-ibigan at ang tanging hadlang sa amin ay ang mga sasakyan na dumaraan sa harap namin.

Tatawagin ko na sana siya pero may biglang lumapit sa kanyang lalaki. Si Dominic. Nakangiti niyang tinawag si Portia at inakbayan habang kinikilig naman ang huli. Lumakad silang magka holding hands, habang ako nandito pa rin sa kinatatayuan ko. Hindi malaman ang gagawin at feeling ko masamang hangin lang ang dumaan sa akin.

Napanis ang hawak kong balut.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon