Chapter 36 Archaelogical Facts

39 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Drifting In and Out by Porcelain Raft

 

Maaga ang Christmas vacation kaya napaaga din ang uwi ko sa Cebu. As usual, sinalubong ako ng kiss at hug ni Mama. Napagtanto ko na ang gagawin ko lang ngayong bakasyon ay magrelax, matulog, kumain at maglambing kay Mama.

Kapag Christmas sa bahay namin, kailangan laging buo kaming tatlo. Pagdating ko, wala pang Christmas decorations, hinihintay nila ako dahil kailangang kumpleto kaming mag-aayos ng Christmas tree.

Habang nagaayos kami ng dekorsyon, naikwento ko ang mga problema sa maynila. Most especially, ang problema ni Portia.

“Bakit hindi mo siya sinama dito?” tanong ni Mama.

“Ma, mas pinili naman niyang makasama ang tatay niya kaysa sa akin.”

“Dito ka rin magbabagong taon?”

“Hindi ma, dun na ako sa Maynila kasi may pasok na ako the day after.”

“Imagine, ilang buwan na lang ga-graduate ka na! Anong plano mo?”

“Magpopropose ka na ba kay Portia?” tanong ni Papa.

“Magpo-propose?” tanong ko. “Wala pa nga akong pera pambili ng engagement ring, proposal agad! At siguradong irereject ako nun dahil bata pa siya masyado. Alam mo pa, ma, yung mga normal na magulang pinapaalalahanan ang mga anak nila na wag munang mag-asawa at i-enjoy muna ang pagkadalaga at pagkabinata.”

“Conrad, nasa edad ka na. Ga-gradweyt ka na naman na. Kami naman ng papa mo, masaya naman kami sa kung anong desisyon mo.”

“Ano bang plano mo?” tanong ni Papa.

“Syempre, magtatrabaho muna ako. Mag-iipon muna. Porket may girlfriend ako, kailangan kasal agad!”

“She’s a nice girl.” Sabi ni Papa. “Kaya wag mo ng pakawalan.”

“Pero pa, bata pa si Portia. Ilang buwan pa lang kaming mag-on. Sumagi na sakin ang ideya ng pagpapakasal pero not next year or next month.”

“Eh gusto na namin magka-apo.” Sabi ni Mama.

“Eh di, buntisin ko muna kung yan ang gusto niyo.” Nanahimik sila. “Ma, yang ideya na yan, ‘getting-married’ coming soon yan ah. Hindi ‘now showing’”

“Okay fine!” sabi ni Papa. “Saka na muna pag-usapan yan. So, san mo gustong magtrabaho after you graduate?”

“Paano kung magbakasyon muna ako dito after ng graduation. Tulungan muna kita sa site. O kaya tumulong muna ako kay mama. I need a break bago ako magreview or magtake ng master’s degree.”

“Wala kang plano kung ano talaga ang gagawin mo?”

“Teka, kukuha muna ako ng meryenda?” tumayo si Mama at iniwan kami ni Papa sa may living room area.

“If you want to take a break, okay lang yun. Ang sabi mo maghahanap ka kaagad ng trabaho, saan naman yun?”

“Actually, may nag-oofer sa akin sa school. Maraming options kung saang kompanya. That’s why I’m weighing my options.”

“What about abroad?” tanong ni Papa. “Kilala mo si Pareng Arnold? Di ba si Sara, yung dati mong kalaro, yung inaanak ko at saka yung isa niyang anak na lalaki, kalaro mo rin yun, si Fredrick. Umuwi sila dito last month. Nasa Canada sila nakatira at nagtatrabaho siya ngayon doon. Tinatanong niya nga ako kung tapos ka na. Kung gusto mo daw mag-abroad, kontakin mo lang daw siya via email. Yung office daw na pinagtatrabahuan niya, nasa New York, dun lang siya sa Canada nadestino.”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon